Seeking for good advice

Share ko lng po, kasi mas ok pa mag emote emote dito kaysa sa Facebook at siguradong issue. Atleast dito mraming mag aadvice syo at di ka ija-judge. So thankful to this app. 😇💗 - Share ko lng po, pregnancy journey ko. Nalaman kong buntis ako, Feb. 2020, 9mos. plng kmi ng bf ko nun. Natakot sya nun, syempre pati ako, kasi di pa kmi preho financialy stable. Ako, ok nman sa parents ko na mag asawa na, kasi 25 na ko at nakatulong nman na kht papano sknila. Sya, 23, di pa ok sa pamilya nya kasi di pa sya nkakatulong sknila. Pareho kming college grad., pero sya papalit palit kasi ng trabaho nun. Kailangan ko pang ichat mama nya pra malamn nlang buntis na ko kasi takot sya magsabi. Tapos un mhirap magtapat nung una, kalaunan, both sides tanggap nman na. Hanggang nung 4mos. tiyan ko nag-istay na din ako sknila ng 1-2weeks gnun. May pagkamagaspang na ugali nya mula nung 2nd mo. nming mag bf/gf. Nung nagsama kami, mas lalo ko syang nkilala at nalaman ugali nya. May pagkamagaspang tlga ugali nya, masungit, maattitude, mainitin ang ulo, nagyoyosi, madalas uminom. Nung 7mos. kmi, umutang sya skin ng 7k, nahati hati un, sinisingil ko pag nag aaway kmi, pero di prin nman ngbabayad nun. Tapos nung nabuntis na ko kailangan pa syang pwersahin na singilin pra magbayad. Nagbyad sya 1k, ngalit pa. - Ako lhat sa check up, vit. ko kht wla n kong work nung nagstay sknila, pero galit pa syang nagbayad e panggagastos rin nman nmin ni baby un. Madalas kmi mag away nung andun ako sknila. Pag may tinatanong ako sknya na about sa plano nya smin pabalang sagot nya, pag my nababasa ako sa phone nya, lagi akong umiiyak. Tapos one time nagpasundo na ko kila ate ko, nung time na un lng nakpag usap usap parents nya at family ko. Tapos June umuwi na ko smen, nung umuwi na ko saka lng sya ntulog sa bahay every Sunday. One time nag away kmi, blinock nya ko sa call, ngalit ako, chinat ko mama nya cnbi ko na rin bout sa utang nya. Tapos my topic kasi nun na nsabi ko na bka dahil ganyan ugali ng anak nla e bka dhil sa mga experiences nya nung bata. (Bnubugbog daw kasi sya ng papa nya nun, bka natrauma) Minasama ng parents nya un, akala nla kinuwestiyon ko pagpapalaki nla. Ayaw na skin ng parents nya nun. Sya ngalit skin nung una kasi sinugod sya ng papa nya at halos bugbugin. Pero naappreciate ko kasi pumunta prin sya dito sa bahay at nging ok prin kmi. - Tapos by July, di pa nya bayad ung 6k, umutang na nman ng 5k kasi nsira phone nya. Naawa nman ako kasi kailangan nya ng cp sa work, edi pnahiram ko. Pero di ko naiiwasang singilin pag nag aaway kmi. One time nkipaghiwalay sya sa txt na may 11k pang utang, ngalit ako, pinost ko txt nya skin na my foul words sa Fb, un ngalit lalo skin family nya at pati sya. Halos 2weeks kming di ok nun, tapos nung nagbyad sya ng 8k, tapos knbukasan pumunta dito sa bahay, nging ok kmi ulit. Ngayon may utang pa sya sking 4,500 kasi pnautang ko na nman ng 1,500 nun. - Ok lng nman skin na wag muna magbayad e bsta pakitunguhan at itrato nya ko ng maayos. Iintindihin ko prin sya kht nhihirapan na din ako kung san ko kukunin ggastusin na nman pra sa pagbubuntis ko. Iintindihin ko na ako muna lhat ngayon. Kaso mapride sya, nanunumbat na daw ako e di pa daw lumalabas si baby, di pa daw mkikita ang responsibilidad bilang mgulang ga't di pa lumalabas si baby. Ayaw nya pang napagsasabihan kung pnapansin ko halos 4x a week nyang pag inom, tapos ung sobrang pag eML, kasi nman once a week na nga lang andito di pa sya makausap ng parents ko ng maayos kasi tutok sa cp. Ayaw nya daw ng dinidiktahan sya dhil alam nya daw gngawa nya. - Sinasabi nya pang di daw kmi mgiging msaya pag kmi nagkatuluyan mga ganyan. Pinagdedecide ko sya kung mkikipaghiwalay na, mkipaghiwalay na, ayaw nya nman magdecide. - Mahal ko sya at alam kong mahal nya din kmi ni baby, kya nalulungkot din ako at naiiyak pag gantong di kmi ok. Kung di ko sya pinagsabihan ok sna kmi ngayon, pero di ko kasi mgawang manahimik lalo na pag napuno na ko. Gusto ko ng buong pamilya, pero pano mangyayari un kung di sya willing magbago. Sa tingin nyo po anong dapat kong gwin? Napahaba 😅, pero nakakagaan sa loob magshare. Salamat po 😇💗

34 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

una sa lahat.. SIS DI KAYO MAHAL NG BF MO. ANJAN LANG SYA SAYO KASI MAY NAPAPALA SYANG PERA. BANGKO KA NYA, KUNG WALA NA SYANG PERA SAYO SYA TATAKBO. KAOAG MERON NAMAN SYANG PERA, DI NYA MANLANG KAYO MAALALA BILHAN NG KUNG ANO.. base on my experience tong sasabihin ko sayo momsh.. yung asawa ko ngayon, lalong lumala ang pamamarkada simula nung nakatira na kami sa iisang bahay.. pati pag iinom halos araw arawin na.. gabi gabi akong mag isa.. minsan buong maghapon wala tapos di ka pa sasabayan sa pagtulog, bakit? kasi busy sa cp. wala naman syang iba, kaso sobrang naadik na sya sa cp.. kung ayaw mo ng ganyang pagtrato sayo real talkin mo. kasi wala kayong patutunguhan kung ganyan ang lalaki. sya? oo, kahit below the belt na sinasabi ko pa din. bakit? kasi yung ganyang lalaki, di yan madadala sa maayos na usap.. kailangan mo pang isampal sa kanya kung anong mali nya. ang kinaibahan lang, yung asawa ko responsable pagdating sa pangangailangan ko ngayong buntis ako.. kahit isang buwan na syang walang work, humahanap sya ng pagdidiskartehan makapag uwi lang ng pera para panggastos sa araw araw at sa gamit na mga kailangan sa panganganak. yang bf mo, wag mong pautangin. kung di nya nakikita ang responsibilidad nya ngayong buntis ka ekis na sya. kasi mula nabuntis ka anjan na agad ang responsibilidad nya sa pag aalaga sainyo. at kung ang pera na inuutang nya ay winawaldas nya lang sa bisyo nya.. mali mo na yun na pautangin pa sya. bisyo nya, gawan nya ng paraan saan sya kukuha ng ibibisyo nya. sagot mo na nga yung sarili mo sagot mo pa din ang bisyo nya. kapal ng mukha nya. kahit sabihin pang utang nya yun sayo, maling mali yun. tsaka sobrang kapal ng mukha nya para mangutang sa babaeng binuntis nya diba? tapos para saan? sa bisyo, sa mga gamit na di naman kailangan pagkagastusan ng sobra.. ekis yan. hiwalayan mo sya kasi kaya mo naman yung sarili mo eh. BUO MAN ANG PAMILYA MO, KUNG GANYAN ANG KAGIGISNANG AMA NG ANAK MO.. MAS MABUTING WALA NALANG SYANG AMA NA MAKAGISNAN, MAY LOLO NAMAN SYANG GAGABAY SAKANYA AT SAYO. HINDI NA USO NGAYON ANG BUONG PAMILYA MOMSH.. KASI KAHIT BUO PA YAN PERO PARIWALA NAMAN ANG KALALAKIHANG MAGULANG, GANUN DIN.. BAKA MAS MALALA PA. yan ang sinabi ko sa kaibigan ko.. kung kaya mo ang anak mo palakihin mag isa, at alam mo sa sarili mo na walang naitutulong sayo at sa anak mo ang ama nya.. iwan mo nalang.. kaysa naman anjan nga sya pero nasstress ka naman, umiiyak ka naman, napperwisyo ka naman.. kung di mo sya oagsasalitaan at magpapakatanga ka sa pagiging okay nyo after ng away, walang mangyayari sa relasyon nyo. may karapatan kang pag salitaan sya kasi bf mo sya at ama sya ng anak mo. last piece of advice wag mong papakasalan yan

Đọc thêm
Thành viên VIP

Same here I’m 22 and he’s 19.Feel kita te sa totoo lang kung di ako na buntis ngayon tuloy tuloy pa away namin araw araw. Natigil lang nung nalaman nyang buntis ako siguro natauhan. Dati nga kada inis sya sakin pinapalayas nya ko sa bahay e siguro dahil alam nya kung anong Value nya sakin kaya ganon sya pero mahal ko sya kaya di ko iwanan kahit na ganon nauunawaan ko naman sobrang short tempered nya kaya samin dalawa bawal akong magalit sya lang at ako ang nanunuyo pero ket ganon iniisip ko na lang na magbabago din sya may Awa ang Dios o kung hindi man sya mag bago choice na nya kung iiwan nya ko basta alam kong di ako naging bungangerang asawa at hindi ako nagkulang sa kanya kaya di ko dalahin na konsensya yon. Isa pa may preggy na ko e panalo pa din ako di na luge😅Okay lang yan idaan mo sa panalangin at pagtiisan muna asawa mo yan e. Huwag ka lang sasaktan ng pisikal kase ibang usapan na yon. So far blessed pa din ako sa pagkakataon na ito kase hindi mabisyo ang asawa ko wag lang makakasama mga kaibigan kase lahat sila BI sa bisyo nila may mabait naman. ML lang talaga at yung pasensya nya at pangunawa ang problema. 😅 Awa at tulong ng Dios nababago naman nya. Siguro kelangan lang nya mag mature pa. May awa ang Dios Sis wag mo lang bungangaan at pakitunguhan ng maayos magbabago din yan malay mo maumpog ulo matauhan. Di natin alam.Dios ang kikilos sa buhay mo magpakabuti ka lang ibibigay din sayo yung tamang tao na deserved mo kung hindi man sya tsaka may baby ka naman sa baby mo na lang ituon ang pera mo wag sa kanya mas kailangan yan ng anak mo alam naman nya yon e. Dapat nilalagay mo na lang sa bank money mo. Kaya mo yan may Awa ang Dios Sis.

Đọc thêm

Hello mommy, medyo relate ako sa story mo, nabuntis ako nung 4 months palang kmi ng bf ko and sobrang nabigla ko family ko kase kakagaling ko lng sa break up na 4 yrs and di alam ng parents ko na nag break kmi nun 4 months ago. 25 yrs old nadin ako and may stable na work, yung nakabuntis sakin is 22 palang dipa sya nakapag tapos, high school grad lang and alam ko hindi p sya ready sa pag bubuntis ko. Kaya sobrang stress ko nun kase alam ko madidisappoint ko family ko. Pero dina ako nag dalawang isip na sabihin agad, the day after ko malaman na preggy ako sinabi ko na agad kila mama. Puro sermon and galit inabot ko pero kasalanan ko naman kaya tinanggap ko lahat ng yun. Sobrang hirap kase pandemic, tapos ayaw saknya ng family ko gusto nilang makipag hiwalay ako saknya. Syempre di ako pumayag kase ayoko lalaking walang tatay anak ko. Kinausap ko family ko n bigyan sya ng chance na ipakita na kaya nya kmi buhayin. Nag set sila mama para makausap parents ng bf ko, kaso medyo panget lang kase iba manalita yung papa nya kase muslim. Pero na nindigan yung bf ko na gagawin nya lahat. So far naman naging ok na. Nag hanap sya mas maayos na work. Pinauwi na din ako dito sa bicol ng parents ko kase wala akong work and mas safe dito manganak. Sya lang kumakayod at nag papadala sya every sahod. Ramdam ko yung sacrifices nya and love nya para samin ni Baby. Ang masasabi ko lang para sayo mommy, hindi pa sya ready sa responsibility nya. Pero tingnan mo kapag lumabas na baby nyo baka mag bgo sya. Pray lang lagi mommy and iwas stress. Isipin lagi si baby. Godbless and Stay safe. ☺️🥰

Đọc thêm

Based po sa kwento mu, mahilig ka po magbilang. Kasi talagang naka-track po sayo ung utang niya. Kung tutuusin po, partner mu na siya. Instead na singilin mu po ung utang niya, turuan mu po siya mag-ipon para sa inyo. Turuan mu po siya maging mabuting tao. Pwede po na nanliliit ung tingin niya sa sarili niya everytime na binibilangan mu siya sa mga bagay na nagkukulang siya. Try mu po na mas i-appreciate ung good deeds na ginagawa niya kesa po dun sa mga pagkukulang niya. Mabagal po mag-mature ang mga lalake. It takes time and a lot of patience. Pero once nag-mature siya, worth it lahat ng sacrifices at paghihirap mu po. 23 yrs old na siya. Bawasan mu po ng 5 years. 18 yrs old nalang. Ung pag-iisip po niya ay tulad lang sa 18 yrs old. Kaya kailangan mu po siya i-lead to be a better version of himself. Turuan mu siya ng mga bagay na hindi niya po alam gawin. Usually, tayong mga babae ang nagdadala ng relasyon. Kaya most of the time, nasa atin talaga ang sacrifices. Kailangan lang natin maging matatag.

Đọc thêm

sorry girl but i think never napo magwowork ang relationship nio ni boy eh kase dva po paulit ulit kayo nag aaway at nagsusumbatan parang nakakapagod at nakakasawa den po kung ako ung nasa kalagayan mo mas pipiliin kong maging single mom kesa makisama sa boy sa irresponsible ang dame pang bisyo mas maalagaan mo sarili mo at si baby kung mag stay ka sa family mo at iwan ang lalaking yan para po kaseng martyr na lang ang tatagal sa ganyan ugali sorry sa words huh 🙂 tapos ang kapal papo ng mukha sya na lalake sya oa nahiram ng pera sayo h8mbis na sya ang magbgay ng sustento sayo eh d komo dpa lumalabas si baby eh wala pa syang obligasyon sayo !? very wrong dahil simula ng binuo nio yan may obligation na sya sayo financially at emotionally dka dapat nia inistress dahil masama kay baby yon .. gigil ako nian girl huh 😤😤😂😂 .. i suggest humiwalay kan sa kanya habang may pagkakataon pa kesa umabot sa point na saktan kapa nia physically girl ..

Đọc thêm
4y trước

hehe nope i have a husband gigil lang ako sa mga ganyang klaseng lalake sywmpre girl den ako dko gugustuhin magka asawa ng ganyan thanks God I'm So blessed with my husband 😍😇

Hello mommy. :) Just want to say you're so brave. Even na ganyan na yung pinapakita sayo ng taong mahal na mahal at magiging daddy ng anak mo. Yes, I hate and I don't like when he said that he don't have a responsibility till the baby is out. That's wrong. Malaman niyo palang na buntis ka, responsibility na nya agad yun. He's the father. Sa ngayon the important thing is your baby, hope that he/she'll okay. And please iwas po sa stress dahil kung ano nararamdaman mo, your baby felt it 2x. So if you're stress, baby will stress too, 2x. If you cry baby felt it too, 2x. So mommy please think wise po. Kung ano mas makakabuti ngayon sa inyong dalawa, yun po muna ang gawin mo. Hayaan mo muna yung daddy nya. And don't waste your money. Dapat nga sya ang mas nakakabigay sayo. Learn to say NO, even your heart says YES. Always keep this to your mind. 'For the sake of your baby, you need to be healthy physically, mentally and emotionally.' :)

Đọc thêm

u know nun nag asawa aq ng maaga naaalala ko un cnsbe ng mother ko at mga tita ko na ndi basta basta ang pag aasawa ndi biro na pag napaso ka iluluwa mna... ang tao mllaman tunay ugali kht matgal na kau mag gf/bf pag nagsama na kau lalo na pag may mga problems na. bata pa din bf mo and bago plng kau tps preggy kpa so msyado k emotional. mrami kng adjustment na gagawin its up to u kng gusto mpa din ituloy or ndi na... aq kht bata p kmi ng husband ko nag asawa npka supportive nya sa preggy journey ko from my eldest up to my youngest... student pa sya pro ndi nya aq inobliga pra aq magbayad ng check ups, and panganganak sa baby nmn... pero un ibang gamit ng baby ko aq bumibili mnsan.. and advise klng kht pa nagkkwento c bf mo about his family kng paano sya pinalaki ndi mo dpt sbhn un sa family una ndi pa nmn kau close ng family nya plus ndi p kau mag asawa.. hyaan mlng ksi sa family nya na un e...

Đọc thêm

Ganyan din partner ko , 7 months plang kami nung nabuntis ako, at kakakilala Lang namin nung naging kami. Masungit din sya, nagyoyosi, pag nag away kami nun matik papaliparin nya na cp nya gang sa talagang sinira nya cp nya ung Basag na basag, konting d pagkakaintindihan nagwwalkout na, at kahit buntis ako nun hinahayaan nya lang ako na umiyak Taz sya tulog. Gang sa nag decide ako na lumayo muna, responsible nman sya , d sya nagkukulang sa padala sobra sobra pa, pero super busy nya Ewan ko kung Anong pinaggagagawa nya pero gang sa napagod nko manghingi ng oras sa knya, hinayaan ko na sya Basta bigyan nya lang ako pang allowance namin ng baby ko sa tyan ko. Make time sa sarili mo sis, wag mong itoon ung oras mo sa knya, hayaan mo sya. Parang immature pa sya, siguro Dpa sya handa, pakita mo na kaya mo. At kung willing sya , eh d okay. Pray pray lang 😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kahit mahaba binasa ko talaga😁 sa totoo lang dami ko like sabihin kaso tamad ako mag type 😂 pero kidding aside for me di ka mahal nyan! Sorry ha kasi base sa post mo un nalang sa pag accept nya sa inyo bilang mag ina nya hindi nya magampanan ng maaus😔🤦🏼‍♀️ sa totoo lang gulat nga ako sau wala kang work pero napapa utang mo sya ng ganun kalaki. Kaya nasanay sya sau. Masakit man pero nag stay lang sya sau kasi may napapala😔😔 sabi nga ng parents ko hindi mabubuhay ang isang mag asawa or pamilya ng puro LOVE lng kasi di nakakain un di nakakabusog kailangan may kasama ung love. Kung ako sau mamshie mag isip isip ka na po wag mo wait na mag tagal pa kau and paulit ulit panyang ganyan scenario🤦🏼‍♀️ mas mahirap pag nanganak kana makikita pa ni baby ung tunay na situation nyo. Praying for ur peace of mind🙏🏻

Đọc thêm
Thành viên VIP

Unang una po, ang responsibilidad ng isang magulang ay nagsisimula as soon as nagpositive kayo for pregnancy. Sa mga pinapakita nya, parang hindi pa sya handa magpamilya. He has a lot of issues that's affecting your relationship. Siguro nga mahal ka rin naman nya kahit paano, pero ang tanong is hanggang kelan mo kakayaning intindihin sya sa mga issues nya sa buhay. Ngayong buntis ka pa nga lang hindi na nya magawang magpaka-ama sa pinagdadala mo, what more kapag nanganak ka na, mas mahirap mag alaga ng baby ha, kesa ng buntis. And please don't stay dahil lang sa gusto mo ng kumpletong pamilya. Kumpleto nga kayo pero toxic naman ang buhay. Hindi rin healthy para sa magiging anak nyo. Kaya pag isipan mo mabuti, ma. Wag mo na syang antaying magdecide kung maghihiwalay kayo or not. Dapat magdecide ka para sa sarili mo. Para sa inyo ng anak mo.

Đọc thêm
4y trước

exactly po!