Normal lang po yan mii. Ganyan talaga tayong mga preggy, super emotional. Yung moods natin, extremes lagi. Wag mo isipin na OA yan, lalo pa cravings ang pinaguusapan. Iba talaga yung pag may gustong gusto ka tapos di nabigay sayo.
Nangyari sakin yan. Ice cold water naman. Ayaw ako painumin ni husband kasi sobra ang hyperacidity ko nun, to the point na nagsuka na ko. Pinilit ko pa din sya ikuha ako ng yelo. Nagalit sya, syempre out of concern. Ako naman pakiramdam ko aping api ako. So iyak to the max.
Inform mo lang din husband mo na need masatisfy yung cravings natin and na madali tayong ma-upset, para alam nya next time pano i-handle. Mabigyan ka lang ng konti, or makatikim, lalo na pag bawal naman talaga, okay na yun. Sabihin mo yung feelings mo, and mag ask ka sakanya ng understanding kasi ganon talaga kamo ang preggy.
Sana nakainom ka na ng coffee. ☕ Wag lang din masyado aa. ☺️