Pagbumili ng maagang gamit ni baby
Share ko lang yung pamahiin na kapag maaga ka daw bumili ng gamit ni Baby mamimiscarriage ka daw. Kasi bumili ako ng diapers at wipes kasi sale sa online then sabi ng byenan ko. Masama daw po yung maagang bumibili ng gamit ni baby kasi yung tyahin nya ganun nangyari sobrang excited daw bumili ng mga gamit agad kasi di naman naniniwala sa pamahiin tas malusog naman daw baby nya pero nung 5mos daw nalaglag daw yung baby. Natakot ako kaya stop muna ako. Sabi sabi din ng iba pamahiin nga po yun. Inisip ko wala namang masama kung di nalang ako bibili agad ipunin ko nalang muna yung money.
di naman sa magmiscarriage momsh. pamahiin lang kasi ng mga matatanda."Do not count chick on a hatched egg" nasayo na kung maniniwala ka. Paniwala kasi nila wala pa kasiguraduhan kapag sobra aga ka mamili. May mga possibility pa na pwede ka makunan or what-ever. kaya ang best daw mamili ng damit 7 mos.. the best thing to do is pray na sana okay lang si baby sa tummy mo.
Đọc thêmdi nmn po totoo un pro nung una q nwln ng heartbeat at 34wks, sabi ng ibng nktatanda ang excitef q kasi kasi bumili na. agad ng mg gamit ni baby like crib etc. kaya hayon naunsyami pa. dapat dw hayaan lg, wag plnohn, sinisi pa nmn ako na di q nmn ginusto ang nngyari. cno bng ina na hindi nghanda para sa anak nya???? lahat nmn nghnda di ba???
Đọc thêmparang totoo sakin, dun sa panganay ko, I mean sa pinaka unang pagbubuntis ko, nung nalaman kong preggy ako, bumili na ko agad ng nga gamit, unang check up ko okay naman, kinabukasan nawala na sya. 😔 kaya dun sa pangalawa hanggang dito sa bunso namin, late na ko bumibili ng gamit, tamang tingin tingin lang sa shopee at lazada and sa mga mall
Đọc thêmako after malaman gender ni baby saka ako bumili. hindi nman po sa masama, ang logical explanation dun is kung masyado maaga ka bibili tapos what if may mangyari nga ky baby, di natuloy, anong ggawin mo sa mga binili mong gamit? kaya sinasabi na 6mos up saka bumili kasi yun sure kana sa gender pati sa kondisyon ng pagbubiluntis mo
Đọc thêmtama, ang galing mo dun hehe
Hindi nman totoo un. Ako nung 3 months preggy bumili na ko ng gamit ni baby. Kc natuwa kami ng hubby ko nung nasa dept store na kmi since my budget nmn tlga kami para sa needs ni baby noon bumili na kmi agad. Puro white nga lng kc hnd pa nmin alam gender nya. Just pray lng na ok ang pagbubuntis mo sis.
Đọc thêmpinag bawalan din kami bumili ng maaga bibili dapat kami ng avent sa online kasi sale nung nakaraan napagalitan pa kami 6 to 7 mons daw ang bili ng gamit itabi nalang daw namin yung perang ipambibili namin kasi masama daw yun kami naman natakot din kaya sumunod nalang wala rin naman mawawala kung susunod nalang
Đọc thêmI was working pa noon. And wala pa akong balak bumili kasi very early pa. But then unfortunately, yung kaworkmate ko, nagmiscarriage ung asawa nya. Kumpleto ang gamit na nun e. Nakakalungkot din. And ...Nalaman ko din yang pamahiin na yan kaya. Late nadin ako nag buy ng needs ni baby.
Đọc thêmHappened to me.. Super excited ang mama ko noon. Bumili sya ng mga damit ng baby.. 3 months noon ang tummy ko, I miscarried to our first baby. 😢 From then on, di nko nbli ng things ng baby pg maaga pa. Sa rainbow baby nmin, 7-8 months na nung mgprepare ako pra my gender na din.
Yes maybe not true. Pero un fear, andto pdin. 😢 Kya even though not true when you experience it, ayw m n ulitin
Para skin momshie di tutuo yan kasabihan nong araw ng matatanda iba kc panahon nila noon at tayo ngaun Mas mahirap kong last minit ka bibili mas okey ung nag unti. Unti kana para lahat maihnda mo at marami kapang pwd pagpiliin.. pag lastminit meron kanang mga makakalimutan na iba,
Wag po maniwala sa mga pamahiin although nakagisnan na natin pero isipin nalang natin no one can predict kng anu mangyyri s kinabukasan its only God knows..Manalig lang tayo sa Knya..ako nga sis 3 mos plamg baby ko nun namimili nko eh,,sa awa ng Diyos wala nmn nangyari
Soon to be Mommy