Dry Labor

Hi! Share ko lang po yung experience ko. Feb 16 EDD ko. Feb 5 nag start na mag contract, punta kmai agad ng hospital, pero nung IE ako, 1cm pa lang. No blood show and water break, kaya pinauwi muna kami.. Feb 8 morning nagising ako sa sobrang sakit ng puson ko, parang may dysmenorrhea. So nagtext ako sa OB ko but wala reply.. Nawala din naman yung sakit after 15 minutes so kalma lang muna kami.. Pero nung Feb 9 1am sumakit na naman siya, same pain din with water leak na pero sobrang konti lang. Text ulit ako sa OB.. Sabi niya punta na daw kami hospital. Nung na sa hospital na kami, IE ako 2am.. 1-2cm pa din but may bloody show na konti.. Wait ko OB.. Pina admit na ko.. 4am IE ulit pero 1-2cm pa din.. Observe muna for 6 hours.. Pero na sa labor room na ko. So pahinga muna ko.. Nakatulog.. 8:30 need IE, 1-2cm pa din.. So naglakad lakad muna ako ng 30 minutes.. Pag upo ko may blood pero konti lang.. 9am IE ulit 2-3cm na.. Pahinga muna ko.. 10am naglakad ulit for 30 minutes.. Pag upo ko sobrang dami ng dugo as in may buo buo na.. 11am IE ulit 2-3cm pa din.. And mataas pa din siya.. So call na nila OB ko para mag update.. Kasi sobrang dami na ng dugo and buo buo na.. 12:30pm dumating si OB, IE ako pero 2-3cm pa din.. So nag decide na ECS na ko kasi wala na daw din water sa loob, sobrang konti na.. 1:20 start operation.. Nahirapan sila kunin si baby kasi wala na talagang water sa loob.. Sobrang konti na lang.. 1:35pm nailabas na si baby!!!!! Buti na lang at sumugod kami agad sa hospital at text agad kay OB kasi kung binaliwala namin yun, baka di na nami kasama si baby ngayon. Sharing my experience na pag may nafifeel na kayong kakaiba, wag niyo na wait mag ka water leak or duguin kayo sa bahay.. Punta na kayo agad ng Hospital para masure na safe si baby. Thank you sa pag basa mga mommies!! ?

93 Các câu trả lời

..same na same tau sis .. ganya din nangyari skin 😊 .. pero thanks God safe Kami ni lo .. 3months ..

parang same tayo ng experience mommy pero ako mula 9am to 2pm stock sa 4cm kahit tinurukan na ko pampahilab

sakin naman mommy walang tinurok na kahit ano..

ano po feeling ng cs? huhu i pray na normal delivery at healthy si baby ko. anyway congrats po.

Congrats mommy. Tama ka dun wag na intayin na may mangyari pa ang galing mo dun mamsh

Thanks po sa advice momsh. Congratulations po sa safe delivery ninyo ni baby.

Congratulations mommy. Medyo may paninilaw yata si baby. Paarawan mo sya ha.

Congrats po. Sana hindi ako mahirapan manganak Lalo na mag Isa lang ako😭

Grabe ang tangos ng ilong tapos ang ganda ng mata!!! Congrats mommy!

Thank you momsh!! 😍😍😍

Congrats po. Ang cute nya lalo na ng eyes. God bless po momsh. 😊

Thank you po! 🥰🥰🥰

VIP Member

yes Tama si momi mging sensitive Tayo sa nararamdaman ntin

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan