Dry Labor

Hi! Share ko lang po yung experience ko. Feb 16 EDD ko. Feb 5 nag start na mag contract, punta kmai agad ng hospital, pero nung IE ako, 1cm pa lang. No blood show and water break, kaya pinauwi muna kami.. Feb 8 morning nagising ako sa sobrang sakit ng puson ko, parang may dysmenorrhea. So nagtext ako sa OB ko but wala reply.. Nawala din naman yung sakit after 15 minutes so kalma lang muna kami.. Pero nung Feb 9 1am sumakit na naman siya, same pain din with water leak na pero sobrang konti lang. Text ulit ako sa OB.. Sabi niya punta na daw kami hospital. Nung na sa hospital na kami, IE ako 2am.. 1-2cm pa din but may bloody show na konti.. Wait ko OB.. Pina admit na ko.. 4am IE ulit pero 1-2cm pa din.. Observe muna for 6 hours.. Pero na sa labor room na ko. So pahinga muna ko.. Nakatulog.. 8:30 need IE, 1-2cm pa din.. So naglakad lakad muna ako ng 30 minutes.. Pag upo ko may blood pero konti lang.. 9am IE ulit 2-3cm na.. Pahinga muna ko.. 10am naglakad ulit for 30 minutes.. Pag upo ko sobrang dami ng dugo as in may buo buo na.. 11am IE ulit 2-3cm pa din.. And mataas pa din siya.. So call na nila OB ko para mag update.. Kasi sobrang dami na ng dugo and buo buo na.. 12:30pm dumating si OB, IE ako pero 2-3cm pa din.. So nag decide na ECS na ko kasi wala na daw din water sa loob, sobrang konti na.. 1:20 start operation.. Nahirapan sila kunin si baby kasi wala na talagang water sa loob.. Sobrang konti na lang.. 1:35pm nailabas na si baby!!!!! Buti na lang at sumugod kami agad sa hospital at text agad kay OB kasi kung binaliwala namin yun, baka di na nami kasama si baby ngayon. Sharing my experience na pag may nafifeel na kayong kakaiba, wag niyo na wait mag ka water leak or duguin kayo sa bahay.. Punta na kayo agad ng Hospital para masure na safe si baby. Thank you sa pag basa mga mommies!! ?

Dry Labor
93 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Cute cute ni baby mo.. thanks momsh sa pag share... mas mabuti na talagang praning tau noh.. heheh.. nung mga 5 months ako feeling ko tumitigas ung tyan ko parang na wiwerduhan saakin mga ka work ko. Pero nag half day pa din ako. Pagka ultrasound sa akin nabuka pala ung cervix ko kaya feeling ko nag cocontract. Tinurukan ako ng ob ko ng pampawala ng paninigas pero sabi nia if di pa din daw nawala un i aadmit na nia ako. Tama talaga na dapat lagi taung aware sa nararamdaman natin. Wag natin ipawalang bahala. Kasi health ni baby at nating mga momsh ang nakasalalay dito.

Đọc thêm

medyo same tayo mommy akin nman hindi ako nakaramdam ng labor pero 3days na pala akong may water leak wala din bleding kung hindi pa ako naka schedule for check up hindi ko pa malalaman na pa dry labor na ako 2cm palang 2x akong tinurukan ng pampahilam isa sa morning at afternoon kung hindi pa lalabas si baby ng gabing yung ecs ako ng madaling araw kaya mga mommy mas ok talagang may handa tayong pera at laging aware sa mga nararamdaman pag buntis

Đọc thêm

Dry labor and all blood ako nung pinanganak ko first baby ko. Very few talaga ang water and over due na baby ko kaya pinilit na lang putukin ang waterbag ko. 17 hours of labor na puro blood lang lumalabas pero nailabas ko pa rin sya via normal delivery (3.5 kg sya). Ayun sa awa ng diyos d ako na cs nun buti na lang ang bait ng midwife na nagpaanak sa akin hinintay nya talaga lumabas baby ko at sa pakiusap ko na rin.😊

Đọc thêm
5y trước

Buti po safe ang delivery niyo.. 🥰

Congrats po momshie..ang cute ni baby😍 ako 3 days may water leak at sarado pa cervix bago ko nailabas si bunso, dahil takot ako ma cs lumiit xa sa tyan kc umunti na yung tubig sa tyan ko, sa awa ni GOD nainormal del. ko xa kso after 1 day nagseizure xa. Ngayun 8 months na☺️ iba iba tlaga pagbubuntis at panganganak, kaya pag may kakaiba dapat talaga sa pacheck up agad at tiwala kay GOD😊

Đọc thêm
5y trước

Yung sa akin din po nuon paunti unti lang kaya akala ihi daw. Sa ultrasound lang nalaman na maunti na yung tubig, buti nagopen ang cervix ko nung time na yun tas naglabor kaya nainormal del ko.. ngayun, nagmamaintenance xa ng phenobarbital at pray din po na maging normal lahat...tnx po😊

Congrats po! Napakagandang baby. ❤️😚 I'm reading lots of experiences.. pero hindi ko po maintindihan kung anong ibig sabihin nung measurement na cm.. san po ba tumutukoy yun? Not much idea. I'm in my first pregnancy. 😅

5y trước

Ah... Yun po pala yun! Salamat po. 😅😘❤️

Buti nlng tlg sis di mo pinagsawalang bahala ung nararamdaman mo.. higit sa ano pa man kaligtasan nyo ni baby mahalaga, congrats ang god bless cuuuute ni baby

5y trước

Oo nga po sis. Kaya tlaga pag hindi normal yung feeling, punta na agad ng hospital. Wag na mag search search sa google kung signs na ba yun.

buti PO naagapan mommy..kc may ganyan din Po nangyre sa kakilala q..ndi agd na CS sad to say namatay Po ung baby KC naaubusan n PO Ng tubig..

Congrats mamsh, hawig cla ng baby ko ng eyes 😊 at parehas na tupi yung left ear dhl cguro sa paghiga nla sa loob ng tummy ntin

Tama mamsh. Motto talaga ng mga preggy ay "Buti nang praning kesa magsisi sa huli" Congrats po! Tangos ng nose! 😘😘

bakit po kaya nahihirapan mag labor? sabi nila pag 37 weeks pataas, dapat daw araw araw na maglalakad then squats.

5y trước

nakadipende po ata talaga sa matres ng babae. iba iba po talaga