Magusap kayo ng partner mo. Linawin niyo kung ano ang plano niyo para sa pamilya niyo lalo ang para sa anak niyo. Constant communication ang need niyo. At yung mga issues mo sakanya, kailangan niyo yan talagang pagusapan.
And for you mommy, wag kang madown. Cheer up po. Pag natutulog si baby, gawin mo na yung dapat mong gawin. Mahirap talaga yan, i feel you, ganyan din ako nung mga unang weeks ko, as in, naiiyak talaga ko, feeling ko wala akong katulong lalot di ko kasama mister ko, kasi sa mother ko ako tumira muna at nanganak. E busy din mother ko, kaya pagminsan buhat ko si baby ko umiiyak talaga ko. Pero nilakasan ko loob ko, hindi pwedeng mahina ako. Mas kailangan ako ng anak ko. Saka inisip ko, madami pa kami pagdadaanan, kung susuko na ko ngayon sa pagaalaga lang ng maliit na bata, e ano pa pag may worst pang pwedeng mangyaring pwede naming pagdaanan. Kaya mo yan, sa una talaga walang madali, unti untiin mo lang mommy. Hindi mo kailangan biglain lahat. Hingi kang tulong sa mga malalapit sayo, hindi naman masamang magsabi. Pabantay mo saglit kung di mo maiwanan, tas maligo ka ganun or gawin mo mga gagawin mo.
Soon enough, mas madadalian ka, pag sanay kana.
Di lang ikaw ang dumaan sa ganyan. Tatagan at lakasan mo loob mo. Malalampasan mo din yan.
And mommy, you are beautiful just the way you are. Dapat ikaw mismo ang magangat sa sarili mo. Be proud momma, di biro ang magbuntis at manganak.
God bless you!