Share ko lang po. Sana po h’wag ninyo ako i-judge.
After ko po kasi manganak sobrang naging iba na po ako, dati no’ng baby ang anak ko sobrang alaga ko po talaga sakanya pero nitong naging 2 years old siya nagiging mainitin na ang ulo ko lagi sakanya. Sabayan pa ng stress sa ex ng asawa ko noon simula nagbuntis ako. May asawa na rin ngayon iyon pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga ginawa niya sa’kin. I feel so depress to the point na nag 37 kilo ako sa height kong 5’3 pati anak ko ‘di ko na naasikaso. Parang punong puno ako ng galit. But then narealize ko lahat na mali ako, bakit ikukulong ko sarili ko sa galit. Ngayon gusto kong bumawi kay baby ko. Paano ba maging mabuting magulang? Sa sobrang daming sakit na pinagdaanan ko noon anak ko lang ang totoong nakasama ko please respect my post gulong gulo na talaga ang utak ko naiiyak na lang ako palagi. I feel so worthless 😢