Nakaraos din!

Share ko lang po. Salamat sa Diyos hindi niya kami pinabayaan. Ang sakit pala ng labor 5am pag gcng ko parang magalaw si baby tpos nasakit na puson at balakang ko pero keri lang ang sakit kaya nakapagwalking excercise pako ng 30 mins. Mga tanghali medyo masakit na pero chinecheck ko interval ng contractions gawa ng wala pang lumabas saken na mucus plug, dugo or tubig, kaya akala ko normal lang kaya tinulog ko nalang. Then chinat ko si OB ng 2pm if labor naba yun kahit wala nalabas kasi medyo masakit na talaga. Nagreply siya 2:30 sabi nya if ilang minutes interval sabi ko 7 mins, ayun naglalabor na daw ako at magpa admit nako sa hospital. Sabi ko wait ko gang 3:30pm if tuloy tuloy yung contractions kasi naninigurado ako na huwag pauwiin lalo na private hospi at takot sa gastos, ayun nagtuloy tuloy nga kaya dinala nako sa hospital. Nakadating kami mga 4:15 na. Nung i i.e ako bgla kong nakita yung panty ko may mucus na siya na may kasamang dugo. Pagka i.e saken nasa 7cm na pala ako. Sa E.R palang naiire na talaga ako kaso sinwab pako at kinuha info ko. Mga 4:30 inakyat na nila ako sa labor room takbo takbo nila ako kasi lalabas na siya kako, hindi ko mapigilan kako. Huwag kang iire sabi saken. Pagdating sa labor room pagka i.e ulit 10cm na pala ako. Tinawagan nila OB ko kasi naiire na talaga ako kahit anong sabi nilang pigil saken, sabi ni OB ko hindi siya aabot kaya tinawagan niya ninang niyang OB na malapit. Ayun 5:15pm lumabas na si baby. Answered prayer lahat, kasi araw araw nagdadasal ako at kinakausap ko si baby na huwag ako pahirapan, tpos normal delivery at huwag magpa overdue para hindi siya magkaproblema at hindi siya maiwan at sabay kaming uuwi. Edd: July 31 DOB: July 17 Via: Normal Delivery Weight: 2.51kls 38 weeks sakto si baby ko. Meet my Baby Girl "Phoebe Seah"

43 Các câu trả lời

VIP Member

Congrats 😊 37 weeks & 4 days na ko waiting rin sa labor . Nasakit na puson at balakang ko pero di siya nagtutuloy tuloy . Sana makaraos na rin ako saktong 38 weeks kasi 3kilos na si baby 😅 and mag 1 weeks na kong nainom ng evening primerose ...

3x a day po advice ng OB ko .

same tau momshi july 17 din ako nanganak .1pm sobrang sakit na ng tiyan ko kaya dinala ako sa labor room.4:30 am lumabas si baby.pero 2.4 weight nya pero okay lang sabi ni doc.everything is okay and normal nman daw basta malakas dumede si baby.😊

saken din po sabi sa nursery pasok naman siya sa 2.5. Importante daw active naman siya at healthy. Congrats saten momsh

TapFluencer

Congrats Momsh ❤❤❤ Same EDD tayo momsh ng first utz ko and nanganak din ako ng July 17 😁😊 ako nmn po 11pm ng July 16 nag start yung labor then baby out 9:07am ng July 17 😊💕

wow congrats momsh same bday pa mga baby naten. lusog din ng sayo.

Congrats po mommy♥️😊sana makaraos na din ako😔39 weeks na ako close cervix pa rin.lahat namn ginagawa ko. Squating, walking at lagi ko din kinakausap si baby😞🙏🙏

VIP Member

Congrats mamshie and hubby❤️😍 ang pretty ni baby Phoebe🥰 na excite na naman tuloy ako lalo makita baby girl ko 38weeks me today❤️

Salamat mamshie Kimberly big help lalo na ngaun na malapit na din ako🙏🏻🥺 ingat kau ni baby❤️🙏🏻 enjoy every moment na kasama sya🤩

VIP Member

congrats po.saken 37 weeks and 4 days...wala pa akong na feel na mga masakit...praying nA.healthy and successful ang pag deliver ko.

saken din po nun as in wala man akong nararamdaman. Biglaan lang talaga. Pag gusto na talaga lumabas ni baby lalabas na siya momsh. Praying for you momsh

congrats mamsh 😊🥰. sana ako din makaraos na kaso close cervix pa din ako 😔

nakaraos na din po ako kahapon ❤. meet baby Jeyah. 💜

Congrats mamsh same birthday sila ng baby boy ko .. 1 year old na sya nung July 17☺️💗

Congats mommy 😊.. Sana ako din nakaraos na 🙏 39weeks 5days na ako close cervix pa din 😔

pray lang momsh. kasi ako wala man ako ginawa. kinakausap ko lang si baby. at walking lang ng 30mins sa umaga. wala din ako ininom. sabi kasi nila si baby magdedecide if gusto niya na lumabas

TapFluencer

wow congrats sis ang cute naman ni baby girl mu na excite na tuloy aku manganak hehe😍😊

thank you momsh. kausapin lang si baby na huwag ka pahirapan.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan