Delivery Date
Share ko lang po nangyari sakin. EDD : October 25 Nanganak po ako October 27. October 27 -- 3:30am, nagising po ako mejo sumasakit na tyan ko. Inoorasan ko yung pagitan ng pagsakit nya. By 5am, naligo na ako, kasi feeling ko manganganak na ako. 6am, ginising ko na si hubby. Before 7am, nasa Lying-in na kami (RHU3), Sunday nun. Wala kami nadatnan na midwife. Pero meron naman nakaduty. On-call daw mga midwife nila, pero di nya macontact. Iba na pakiramdam ko ng mga oras na yun, nagsusuka na ako. Pero normal naman bp ko. Kinakabahan na yung bantay, kaya nirefer nya ako sa isa pang lying-in (RHU1), pero tinanggihan kami. (Sabi nung naabutan namin sa RHU1, manas daw ako. Which is hindi naman. Di daw pwede sa lying-in kapag manas? Bumalik na lang daw kami sa RHU3) So bumalik kami sa RHU3, pero wala pa rin midwife. Sunud-sunod na yung pagsuka ko, kaya nirefer na ako sa hospital. Pagpunta namin sa hospital, 1cm pa lang daw ako. Di nila ako in-admit. Balik na lang daw ako after 4hrs. Or kung gusto ko daw, dun sa tapat na lying-in ako pumunta. Maya-maya dumating asawa ko, sinusundo ako, kasi nahanap nya na daw bahay nung midwife sa RHU3, (byahe na naman! Talagang sumasakit na tyan ko that time) Pagdating sa RHU3, andun na nga midwife. Chineck ulit bp ko, kasi maya maya ang pagsuka ko. In-i.e ako, 5cm agad. Wala pang 20minutes. maghapon daw observation sakin, pag di pa ako nanganak, ililipat ako sa hospital. (Napadasal na lang ako, na sana manganak na ako. Sumasakit na nga ng sobra, palipat-lipat pa ako) By 10am, nakahiga na lang ako. 11:33am, lumabas si baby! Mejo nahirapan din ako, kasi sobrang laki ni baby. (4.3kgs) habang nagle-labor, nagdadasal ako na kayanin ko, 2 times kasi bumalik si baby. Akala ki di ko kakayanin. Pero thanks God, nagawa ko! Marami man nangyari, nakaraos pa rin! ☺️ Di na nila ako nilagyan ng swero, and after 24hrs umuwi na rin kami. Ngayon, 9days old na si baby. 6.1kgs na sya. ☺️ Pasensya na po, sobrang haba. ☺️