Stress at depressed

Share ko lang po. Lahat naman po tayo mga momshies dito. Gusto ko lang po mag share. I'm on my 9months na po. Actually po sa LMP ko po 40wks&6days na ko. Based naman po sa 1st utz ko EDD ko po July 11, pero syempre sa mga paulit ulit na utz nagbabago yung EDD. ito pong latest BPS ko. July 26 naman.. Stress n po ako sobra. Ngayon po gusto ko n lang po mailabas ng normal at safe si baby. Based sa lying in na pinag papacheck up-an ko. Itong saturday 2-3cm na daw ako so tues sched bps ako. 8/8 namam ang score. Sabi baka this coming sat iinduce na daw ako kasi baka maoverdue na si baby at baka magkakain ng poops si baby sa loob ng tyan ko so worried po ko syempre. Mas delikado po yun. Lahat po ginagawa ko na magprogress lang po. Lakad, akyat baba sa hagdan, squatting, kain pinya, pakulo ng luya. So far po. May mucus plug naman na po ko at bloody show pero di po ganun kadami. Panay na din po paninigas ng tyan ko at yung feeling po na sobrang sakit na ng pukembangs ko. 3 caps na po ng evening primrose iniinsert ko by vagina. Sobrang stress na po ako. Gusto ko na lang po mailabas si baby ng safe.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

hello mommy .. kesa magpaka stress po kayo jan, mgpahinga lang po kayo, relax lang po .. mas kelangan nyo po ng lakas sa panganganak nyo .. pasalamat nlng po kayo alam nyo na ggwin sa inyo. iinduce kayo. kc ung iba di alam kung ma ccs o hindi. mas nkaka stress un 😆 bsta payo ko lng sayo mgipon ka ng lakas. wag kna msyado kumain. light meals lng. goodluck mommy!

Đọc thêm
5y trước

Thank you po momshie.. Sana po makaraos na at praying na healthy kami pareho ni baby. 🙏

Thành viên VIP

Mommy don't stress, if possible kasi makaapekto po talaga yan sa panganganak mo din. Malapit ka na po, baby will come out in time. 42weeks friend ko normal delivery, dry labor na yung nangyari sa kanya kasi 3days na naputukan ng panubigan. Kaya laban lang and follow OB's advice..

5y trước

Thank you po momshies. Praying po na makaraos na po ako. 🙏