Irregular Menstruation
Share ko lang po . Irregular ako mula nung nanganak ako sa First baby ko (2021) minsan di ako nireregla nang 3 months pero nagkakaroon din. This time, ang last menstruation ko is nung November 2025 pa so normal sakin na di dinatnan. Pero mga last week nang January sumasakit na boobs ko which is kala ko sign lang na rereglahin na ako. antagal nawala nang pananakit nang dibdib ko akala ko may sakit na ako hanggang sa 2nd week nang february naging picky eater na ako. ayoko nang mga ulam namin kahit favorite ko ayoko na. Wala akong gana kumain at feeling ko masusuka na ako anytime, lagi pa akong nanghihina akala ko may sakit na talaga ako. hanggang sa naisip ko magpabili nang 2 PT at ayan na nga positive. di pa ako nakontento nagpabili pa ulit ako nang isa para mas sure at sobrang visible. Grabe iyak ko. sobrang saya sa pakiramdam. Nung nagpaultrasound ako 6 weeks palang😅 eh last mens ko nung nov.2025 pa . sobrang saya talaga nasundan na ang panganay ko after 5 years hehe. may kalaro na siya.


Preggers