Share ko lang po. Hehe minsan nakakalungkot din kapag hindi mo maibigay sa baby mo yung mga bagay na gusto mong maranasan nyang magkaroon. Meron naman panggastos sa pang araw araw pero yung may gusto kang bilhin pero di kaya ng budget, kakalungkot. Hehe. Mag start na mag solids si baby at gusto ko sana sya ibili ng high chair, feeding set, at kahit sana steamer, pero di ko maafford. Kapag binili ko sya, nganganga kami sa mga susunod na buwan. 😅 Tapos 10.10 pa ngayon sa shopee, para tuloy akong nagwiwindow shopping, hanggang tingin lang. 🥲