hope this helps

share ko lang po ang mga natutunan ko kaka research at search na din. but still your child, your rule. 1. No water below 6 months - baka po magkaroon ng infection si baby, at humina ang pagdede niya ng fm or bm. 2.,No herbal medicine 2 years old below- eto mga mommies dami ko pong nababasa about dito. tayong matatanda nga ayaw minsan ng lasa ng herbal ang baby pa kaya na mas malakas ang panlasa? . and hindi po natin alam kung ilang dosage po ito. seek for professional or experts. wag po basta basta magbigay ng gamot lalo na herbal. 3. Feed on demand- eto po sa nagpapadede. wala pong kwenta ang mga lactation aids kung hindi po dedede si lo niyo sa inyo or kung hindi magpapump. 4. pede magpadede kahit flat or inverted ang nipple or boobs- inverted po ang nipple ko pero nadede pa din si baby ang importante po masuck niya yung buong areola para hindi masakit. 5. sa fm naman hiyangan po - what works for other baby may not work for your baby. so kahit sa gatas magseek po sa pedia or sa center basta may libreng consultation para sa kapos sa pera. 6. no honey below 2 years old- The primary risk of introducing honey too soon is infant botulism. ... A baby can get botulism by eating Clostridium botulinum spores found in soil, honey, and honey products. These spores turn into bacteria in the bowels and produce harmful neurotoxins in the body. Botulism is a serious condition. 7. habang buntis pa kung willing magpadede gagawa ka ng paraan para magpabreastfeed- 37 weeks nagstart ako magtake ng malunggay capsule. hindi ko kasi nagawa kay panganay na magpabf kaya fm siya since birth. kaya research research about breastfeeding. 8. did you know babies 1 week below needs only 3 to 4 teaspoon or tablespoon of milk? - so sa mga mommies dyan na akala nila konti ang milk 1oz lang po need ng 1 month below. kaya ang paalala feed on demand. and last.. 9. we are all mammals. mammals can produce milk, so sa mga mommies na nagsasabing wala silang gatas meron po yan. tyaga lang po sa pagpapadede. ang mga unggoy, aso, pusa nga nakakapagpadede without knowledge or information tayo pa kaya?… ps. im not mommy shaming ahh. im giving information what's best for our baby. kahit fm or bf ka man basta mahal natin ang mga anak natin at naaalagaan ng maayos. walang papantay sa pagmamahal ng isang ina. so your child your rule. ♥️❤️ happy breastfeeding and formula feeding mga mommies ❤️❤️

Câu hỏi phổ biến