Share ko lang po. 36 weeks palang pinainom na ko ng buscopan and insert naman ng eveprim 3x a day. Nagstart na rin ako maglakad-lakad at squats nun. Kanina galing ako ng weekly check-up, 1cm na raw ako. Continue ko lang raw pag-inom ng buscopan at insert ng eveprim pati lakad at exercise. Nasakit na yung puson ko every 5-15mins (di pa consistent) pero tolerable pa naman. Kasabay ng balakang at singit. May konting spotting pero normal lang raw sabi ng midwife balik raw ako kapag tubig na ang nalabas. Matagal pa kaya bago lumabas si baby? Nakakaexcite na. ?