Naging careless ?

Share ko lang, nakonsensya ako diko alam na bawal pala ang green papaya sa pregnant ? ang alam ko lang maganda ang papaya sa buntis. Kaya pala ganto yung tyan ko after ng lunch nananakit sya na may halong paninigas lalo na pag nakahiga. Syaka ko lang nabasa na bawal ang green papaya kung kailan nakakain nako. Inulam ko ngayong lunch ginataang manok with green papaya at malunggay ? I hope na wala mangyare masama kay baby. First baby pa naman ?

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1st and second trimester ko lagi akong kumakain ng di masyadong hinog na papaya..sinasawsaw ko sa suka..feeling ko yun ang pinaglihian ko.. hopefully okay lang yung baby ko pag labas.. june due date 🙏

Mganda po ang ripe papaya kase it helps sa constipation. But the green papaya is not good.. try to observe yourself na lng po and try mo mag consult sa OB mo kahit tru online. Keep safe mommy and your baby

5y trước

Huhu sumakit na tyan ko at puson at nahilab sya para ko matatae tas naramdaman ko now para ko nilabasan pagpasok ko sa cr nakita ko ganto sa panty ko brown discharge..

Thành viên VIP

Sis. First trimester mo ba? Bawal talaga ata ung hilaw na Papaya sa baby lalo na if first trimester..dito sa apps natin merong guide ng pwedeng kainin kapag buntis.. Pwede mo tignan

5y trước

Oo sis umabot nga nang 2nd trimester.. that's why I'm hoping and praying na ok lang baby ko pag labas

Hala bawal po pala ang green papaya . Ngayon pa mandin home quarantine madalas ulam namin yung may papaya. Pero wala naman ako nararamdaman. Sobrang active pa naman ni baby.

Totoo po ba na bawal ang hilaw na papaya sa buntis? Kasi nung buntis ako madalas ako kumain nyan wala namang nangyari

5y trước

I mean sumakit din daw tiyan pero safe naman ang baby

Thành viên VIP

Hindi namn po masama yan ang masama eh shashimi mga hindi luto at sobrang pag kakape. vegetable namn yan ok lng