First time mom at the same time Fur mom too.

Share ko lang. Na gguilty ako. Feeling ko ang sama kong furmom. May tatlong aspin ako. Isa don nanay nila 3 years old. Mag iisang taon palang 2 anak nya puro lalaki and puro pasaway. Wala pa silang bakuna kasi inaantay ko pa yung libre dito sa barangay. Di naman sila lumalabas since birth nila. Yun nanay nila complete vaccine yon and may vet talaga. Sila lang yung hindi ko naasikaso pa since kinapos sa budget kasi priority ko pa yung pinagbubuntis ko. Alam ng kapitbahay ko kung gano ko ka alaga at kamahal tong mga aso ko. Nakikipag away pa nga ako para sa kanila kaya lang di ko na rin kaya ngayon. nakaraan kasi nakakagat ng 4 years old na kalaro ng pamangkin ko yung dalawang anak. As in kung di namin binaba kasi nasa taas kaming lahat baka nalapa na talaga. May isang malalim na kagat sa paa yung bata as in sa pangil talaga yung pagkagat. Bigla kasing pumasok yung bata eh di sya kilala nung mga aso ko. Tas wala pang tao sa baba. Nakakapraning kasi wala pang bakuna kahit kampante naman ako na walang rabies tong aso ko kasi nga since birth nila di sila nakakalabas. Ang yung nanay nila is complete vaccine naman. Open naman yung bahay namin yung nakaka pwesto sa bintana mga aso ko. Hindi sila nakakulong at di rin nakatali. Nakakapaglaro din sila sa loob. Napabakunahan na din namin yung bata. Nakakastress lang kasi kung kelan nasa loob nga lang ng bahay naka disgrasya pa. So yun na nga. Sobrang yamot ng papa ko plano na silang i surrender sa barangay. Dagdag pa na manganganak ako. Wala ng mag aasikaso. Sobrang ingay din sa gabi lalo nat may madaan lang na di nila kilala o may konting kaluskos lang. Nakkunsensya ako. Masamang fur parent naba ako? Di madali yung magiging desisyon pero parang no choice na ko. Plano kong ipaiwan yung nanay pero ayaw na talaga ng papa ko. Kahit alam kong masakit din yun sa kanya. 😭

2 Các câu trả lời

if surreder sa barangay .. pinapatay din nila mga dogs dun pag walang nag cclaim. may isa akong aspin 2x na nahuli ng baranggay 2x na din ako nag bayad para i claim sya... di ko yata kayang gawin nyan sa mga aso ko shitzu/bulldog. i have new born at maingay din yung isang dog ko lalo na pag may deliver sa bahay.. hinahayaan ko lang now parang nasasanay na baby ko sa kahol ng aso i want my baby to be a dog lover too pag lake nya. sobrang hirap na desisyon nyan mi but i understand you. better i pa adopt nyo nlang sa taong alam mong ma aalagaan sila.

ang hirap talaga mi. Lalo nat nakakagat na. Masasanay na kasi. Dito samin walang gustong mag adopt na kasi nga alam nila sitwasyon. Ang hirap din kasi ipa adopt nito malalaki na. Pinatulan nga bata pano pa pag malalaki na. 😭 Alam mo naman din pag aspin mi walang mag aadopt. Naawa ako na nagguilty. Yung nakakagat paman din yan yung nag 50/50 nung baby pa. Talagang tyinaga ko mabuhay lang tas ganto lang mangyayari. Di ko alam kung bakit tumapang yan. Di ba epekto yan ng mga gamot nya. Hanggang ngayon yung mga paa nyan parang komang kasi di na halos makalakad yan nung baby. Pati yung kapatid nya na di naman nangangagat nahawa na sa kanya. Yung harot nila ng kagat baon talaga. Hanggang sa ayan nakakagat na nga talaga ng totoo. Di pa naman nila tatantanan sana yung bata mi kung di nababa agad ng kapatid ko. 😭

Papatayin lang yun pag sinurrender mo sis. Ipa-adopt mo nalang muna,magpost ka sa mga group sa fb.

mahirap to ipa adopt sis. Nangangagat sa di kakilala. 😭 Di nga to lumalabas eh. Takot sa labas. Kahit pa pagbuksan ko ng pinto ayaw lumabas. Lalabas lang pag sinabihan ko.

Câu hỏi phổ biến