Nanay ni Jowa

Share ko lang, kanina lang nasabi Ng partner ko na buntis ako sa parents niya (I'm currently 14weeks) ako Naman march palang nagsabi na ako sa parents ko, okay Naman sa kanila dahil 27 na ako tapos yong partner ko 28. Pero mga mii naw-weirduhan ako sa family niya Galit mama Niya dahil bata pa daw Siya, (tapos ng college partner ko at board passer) pati ate Niya daw nagagalit bakit daw buntis na ako mama Niya panay iyak at stress daw. Hindi Naman palamunin yong partner ko, may work Naman Siya. Ako lang ba na may ganitong experience? Nakakatawa lang on my part na kala mo 18 yrs old Siya. Nagalit pa nanay Niya na Hindi na daw Siya inuuwian take note isang beses palang pumunta partner ko Dito saakin, halos araw araw umuuwi yon don sa Bahay Niya.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. Ewan ko ah, pero madalas talaga sa mga nawitness ko, pamilya ng lalaki lagi ang may problema kapag magpapamilya na ang lalaki sakanila. Hindi ko alam sa pamilya ng boyfriend mo kung attached ba sila masyado or umaasa pa sila. Advice ko lang, take it as a red flag 🚩. Be cautious sa future in laws and be civil when interacting with them. At wag na wag titira kasama nila sa iisang bahay. In the meantime wag mo nang intindihin kung bakit ganon reaction nila, mastress ka lang. Hindi mo malalaman ang sagot, malaman mo man, hindi yan ikatatahimik ng kalooban mo, kaya ngayon pa lang prioritize peace of mind.

Đọc thêm
1y trước

To questioner, ingat palagi. Meron pa namang inlaws na habang buntis walang paki sa babae at dinadala, pero pagkalabas ng baby, feeling entitled at may rights sa baby. Ipaglaban mo talaga rights mo kahit pa magmukha kang pinakasamang tao sa paningin nila hindi na importante yun, importante yung anak mo, rights mo and peace of mind mo. Pagisipan mo na rin kung sinong surname dadalhin ng anak mo 😅 marami kasing nagsisisi sa huli na ipinangalan nila sa partner nila mga anak nila 😅