Difficulty adjusting
Share ko lang. I am very workaholic before I got pregnant and now I have trouble adjusting to everything. Konti lang natatapos kong work, sarap matulog, feeling pagod lagi, walang gana kumain. I can't stay up late to catch up with work. I'm worried all the time. Konting kirot or nararamdaman, nagwoworry agad ako kung okay lang ang baby. What do I do??? 😅😅😅😅 10 wks pregnant, still a long way to go #1stimemom #advicepls
same here sis. if you will define a career woman, ako yata un. haha. pero first pregancy ko kasi nakunan ako. dahil din sa stress. nahirapan ako magadjust nun isabay mo pa sa boss mong kala mo nabili ang buong pagkatao mo kung pagalitan ka. dun ko narealize na sa susunod na magbuntis ako iggive up ko lahat. maswerte ako ngayong 2nd pregnancy ko mabait na boss ko. iniwan ko ung dati haha. naiintindihan nyang maselan ako magbuntis kaya wfh ako. pero syempre i still give it my best although alam ko marami ako pagkukulang lalo ngayon. i can say communication is the key. let your superior know anong nararamdaman mong changes but always make it a point that you still do your best. but remember na doing your best does not always give you the best results pero at least no regrets. kakayanin natin to!
Đọc thêmGanyan talaga Momsh kapag working soon to be mom. Pero kapag nasa 2nd trimester ka na medyo malessen na yung paglilihi stage. Medyo mas magaan ang pakiramdam unlike ng nasa 10-12 weeks palang. Same sayo, grabe din yung katamaran ko, yung pagod, antok, walang gana, at mas matindi pa kasi suka lahat ng kakainin. Pero now 16 weeks na ako, nanjan padin yung katamaran onti, yung pagod, pero may gana na then di na nagsusuka. Medyo mas marami na din akong nagagawa sa work unlike nung mga nakaraang weeks. Fighting mi. Malalagpasan mo din yan. Yung pag woworry naman, ganyan din ako pero sabi kasi ng OB ko, no to negative thoughts as long as okay si baby on the previous check up, sure na healthy sya. Always drink your prenatal vitamins and ingat po lagi. ☺️
Đọc thêmthank you 🥺❤️
it's not that your having trouble adjusting, you're just experiencing the normal signs of pregnancy. normal talaga yan, magiging antukin tapos parang ang bigat ng katawan mo na tamad n tamad kang kumilos at madalas emotional. ako gnagawa ko nlang, sapilitan nlang ang pag bangon at kilos at di ko na hinahayaan pang mag isip ang utak ko kng gano ako kaantok pero pag grabe n talaga antok ko at di mkpagfocus, mag popower nap lang ako sandali. wag mo rin masyado tagtagin ang katawan mo sa trabaho kasi baka malagay sa alanganin si baby.
Đọc thêmthank you mi ❤️
same miii major adjustment din po sakin, gusto ko kasi lagi akong productive, pero first tri wala talaga akong energy, laging tulog, tinatamad maligo hahahah. enjoy nio lang po ung time nio with baby, basa basa ng pregnancy books, plan your diet din para healthy ang mga kinakain :D make the most out of your pregnancy po na hindi puro sa work ang focus :)) babalik din po ang energy and motivation by 2nd tri
Đọc thêmGanyan talaga momsh nahirapan din ako up until now eh kaso kinakaya na lang din para kay baby, madalas panga ako umiiyak nung first trimester, aligaga din ako kung tama ba ginagawa ko, pero every time nag papa check up oK naman lahat kaya nakakagaan din ng loob, laging advise ng OB enjoy pregnancy iha.
Đọc thêmthank you mi! ❤️
ako working mom hnd ako nagstop magwork khit buntis at after maternity leave work ulit. buti permanent wfh ako no need na umalis ng bahay. khit sabi ng hubby ko wag na magwork, Kaso hnd ako sanay na wlaang sariling income. kaya ito sa 2nd ko sanay na ako hahaha
Hirap no mamsh? Lalo pag sanay ka na on the go palagi haha. As a kaladkarin myself at very active, sobrang hirap ako mag adjust. Pero kelangan para kay bb. Si bb nalang iniisip ko palagi 🥰
Got a bun in the oven