Emergency CS April 11
Share ko lang experience ko mga sis. Sobra struggle ang nangyari sakin. Dalawang public hospital ang tinanggihan ako dahil daw puno. Edd ko po ay April 10 kaya sakto April 10 ng 2am nag start ako makaramdam ng contractions, every 5mins na talaga sumasakit. Pag check ko sa cr may blood discharge na din. Kinaumagahan nag pa ie ako sa lying in at 1cm pa lang daw at close cervix pa. Dahil sobra sakit na talaga pag dating ng 2pm nagpunta nako sa er ng Amang rodriguez public hospital. ie uli at 1cm pa din kaya pinauwi muna ako. Kinabukasan April 11, nagpunta uli kame lying in para magpa ie. tuloy tuloy pa din kc ang hilab, namimilipit nako sa sakit. Kahit puyat at wala tulog gora sa lying in. Pag ka ie sakin 2cm pa lang at close cervix pa din kaya sinalpakan na ako ng tatlong evening primrose. Mga 1pm may lumalabas na sakin na pakonti konting tubig kaya Pagdating uli 2pm nagpunta uli sa amang, nagbabakasali na iadmit na. Pag dating sa hospital, ayaw pa din ako iadmit. Pero pinag antay kame ng OB Doc. itatawag daw nya kung payagan ako maadmit. 4pm tinawag na uli ako at sinabe na wala daw sila bakante kaya humanap na lang daw ako ibang ospital at ginawan nya na lang ako referral. Kahit sinabe ko na mag aantay na lang ako ng may mabakante, ayaw talaga nya. Kaya wala pumunta kme sa Labor qrmmc 5pm dumating na kme dun, sobra sakit na talaga ng puson ko at dumadami na din lumalabas na tubig sakin. ung suot kong panty liner basang basa na talaga kahit kakapalit ko pa lang. Pagdating sa labor, pagkapasok ko pa lang sa er sinabihan na agad ako ng nurse at doc dun na puno din sila. kahit nakikita nila sitwasyon ko na namimilipit na sa sakit ay tinanggihan pa din nila ako. at pinapabalik ako sa amang dahil dun daw ako may mga check up. Dun na kame nag decide na mag private hospital na. Nagpa record ako sa Vt maternity incase nga na may mga ganyang senaryo sa public hospital. May matatakbuhan akong Private. Dumating kme 6:30pm, pag ka ie sakin 4cm na at pa brown na daw ang panubigan ko. Below normal na din ang dami ng panubigan ko kaya sinabihan na ako ng OB Doc na emergency Cs na ako. Pumayag din naman agad ako kaya agad2 ay sinalang na ako operating room. 7:43 pm baby out na at thank you Lord dahil wala naging komplikasyon ang baby ko. Advise ko lang sa mga preggy moms na gusto manganak sa public hospital. Mas ok po talaga na may record pa din tayo sa mga private hospital para incase ay may matakbuhan pa din. Gustuhin man namin makatipid sa pangangak pero hindi sang ayon ang sitwasyon. Pero sobrang thankful pa din at safe kme pareho ni baby. Yun lang po. Godbless us all.