1 cm
Mga momsh, ako lang ba yung nag 1 cm pero namimilipit na sa sakit? Kaninang madaling araw nag punta na kami ng lying in kasi nakala 3 pads na ako ng napkin taspos sobrang sakit na talaga as in. Ineexpect ko na eto na yung active labor pero pag IE sakin 1cm pa lang daw at mataas pa si baby pero malambot na daw cervix ko kaya pinauwi muna ako. Jusko! 1cm pa lang ganito na epekto sakin hindi ko maimagine kung paano na pag umakyat pa ito.