Share ko lang. Apat silang magkakapatid. 3 Seamen (2 Kapitan ng barko, kasama hubby ko), 1 Businesswoman. Tatay po nila kapitan din ng barko. Lahat sila magkakapatid bukod sa hubby ko, may kanya kanyang bahay na pinatayo ng tatay nila at mga sasakyan pa. Kasal at panganganak nilang mag aasawa sagot din lahat ng tatay bukod nanaman samen ni hubby. Wala kami maasahan na iba. Sabi ko kay hubby kunin nalang yung kotse para Hindi kami mahirapan sa byahe kasi buntis ako. Ayaw niya, sabi niya kaya daw niya bumili. Eh wala naman. Tapos sarili bahay namin wala pa din. Hindi parin kami kasal. Nakakainis lagi niya sinasabi okay lang daw kaya daw namin. Eh Hindi ko pa siya pinasasampa ng barko kasi gusto ko makapanganak pa sana ako. Kaya nag nenegosyo nalang kami, kahit maliit lang. Ako naman Hindi pa nakakapag turo dahil maselan pagbubuntis ko. Nakakasama lang po ng loob. Bakit okay lang kay hubby na Walang wala kami nakuha suporta mula sa parents niya samantalang mga kapatid at asawa nila nagpapakasasa!
Anonymous