Ang Diyos ang ating sandalan
Share ko lamg po ang aking pregnancy journey. Sobramg thankful po ako kay God. Sa buong pregnancy ko puro stress po ang naranasan ko dahil sa problema namin ng aking asawa bumagsak at nawala lahat ng aming pundar. First baby namin ito. Walang araw n di ako umiyak as in iyak talaga n di mapigilan sa sobrang pagaalala. Abot din po sa point n tinanong ko ang Diyos kung bakit ngayon nia binigay itong baby kasi sobramg naaawa ako sakanya at nararanasan nia stress ko. Pero naisip ko din binigay nia tong baby para may rason kami ng asawa ko n wag sumuko sa hamon ng buhay. Ngunit gayun pa man di kami pinabayaan ng Diyos nung ngultraspund ako kumpleto naman lahat ng organs ni baby nadevelop at healthy naman xa. Hiling ko ngayon mairaos ang aking panganganak ngayong march at maging normal itong bata. Sa mga kagaya kong buntis n may pinagdaraanan wag po nating kalimutang magdasal n maging maayos ang ating mga baby.

