Pa vent out mga siz. *very LONG POST AHEAD*

set up namin ngayon sa ancestral house (my grandparents house pero Mom ko yung nag maintainance). is ako, yung 2 year old kong bebisaur, ung asawa ko saka yung tito ko (mother side). yung tito ko is jobless. pero nangingisda sya, madalang nga lang pero pag nakakapagtinda sya mg mga nahuhuli nya di na sya nag se share samin.nagshare man sya sobrang dalang lang din. seperated sa LIP nya for 3 years na. since then, dito na sya tumira samin kasi yung place na tinitirhan nya e kinuha na ng govt. so ayon, yung expenses sa bahay yung asawa ko nag po provide. lahat. yung tito ko dati nagbibigay naman sya ng pang ulam. pero after sometime hindi na. hanggang tumagal naging ganon yung eksena sa bahay. then yung asawa ko nagsisimula na syang mahirapan sa expenses kasi di tumutulong tito ko samin. ang naging routine nya is umaga aalis mangingisda, if di sya mangingisda di na namin alam kung saan sya pumupunta. uuwi pag lunch kakain then matutulog ng hapon then uuwi ng gabi. madalas sya umuwi ng lasing pero di nalang namin pinapansin. sinasabihan na din kasi kami ng mga iba pa nilang kapatid na sabihan daw namin sya kasi nga may 2 year old kaming kasama. Pandemic happened. panay sya sa labas even if lockdown. di sya nakikinig samin kahit na sinabi namin na natatakot kami para sa anak namin baka makasagap ng virus maiuwi nya galing labas. kinausap din sya ng mga kapatid nya pero di talaga nakikinig so pinabayaan nalang. then kaninang mga 7pm umuwi sya lasing. nag sisigarilyo then I told him na daddy yung usok ng sigarilyo mo pumapasok sa loob baka kasi si Noctis, I said. tapos nagmura sya. (first time nyang ginawa yon).then nagalit asawa ko sabi nya sa tito ko na bakit mo minumura asawa ko? then shit happened. nagkasagutan na sila. kastress. natigil lang nung nasabi ng tito ko sa asawa ko na pag sinusumpong sya ng panic disorder nya e nag aalala din sa kanya yung tito ko. maybe my husband came back to his senses. nag sorryhan sila. and nag usap. THANKS GOD ngayon parang walang nangyari samin. but still, I'm scared. now the thing is, iniisip ko na kasalanan ko yung nangyari. na maybe if pinabayaan ko nalang di magkakaganon pero at the back of my mind pano na anak ko if nasanay sya sa ganong gawain? pano na asawa ko if di sya tutulong samin. my mind is fucked up right now. I even can't process what has been happened. :/ masakit din sakin sa part na sinabi ng tito ko na "pamangkin ko yan kaya kahit murahin ko yan ok lang" I just kept it in me para wala nalang gulo pa. :( hays. am I too bad? am I too much? :'(

1 Các câu trả lời

VIP Member

ang bait mo lang mommy .. sobrang napaka maintindihin mo. kasi kung ibang mommy syempre walang kung ano , kapakanan ng anak nila iisipin nila. kahit pa against kamag anak. ikaw ilang beses kana nsasaktan ng tito mo dahil sa pagiging parasite nya iniintindi mo prin sya. kahit alam mong nagssuffer ang asawa at anak mo. kun sino pa minsan ang matanda sya pa pasaway. biruin mo 3v1 kayo .. lakas ng tito mo 😁 pabuhat naman .. haha sorry po di ko maiwasan 😆 anyways mommy, may pamilya kana, bago ang lahat mas inuuna mo dpat ang kapakanan nila at damdamin nila. hayaan mo tito mo kung magalit sayo. basta ikaw panindigan mo pagging ina sa anak mo at pagiging asawa sa asawa mo. at higit sa lahat ilaw ka ng tahanan. napupundi rin minsan ✌️😁 basta yun. naaawa ako sa asawa mo mommy. unahin mo pamilya mo ok? wag na yang tito mo. malaki na sya kaya nya na sarili nya 😁 ipaglaban mo lagi ang family mo. ingat mommy and ipag pray mo tito mo mas may silbi pa ang silya kesa sa kanya 😂 sorry mommy ha. kainis tito mo eh. 3 mag adjust sa isa. very good yan. goodluck!

thankyou ate. nag usap na kami. ok naman na kaso natatakot parin ako. hopefully maging okay na ang lahat ang hirap din kasi ng may ganito pang problema amidst the pandemic. -_-

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan