Jobless si husband

September 2022 nung nag resign sya sa work nya dati. He was offered a promotion but he declined dahil nato-toxican na "daw" sya sa work. May na bukas at hanggang ngayon, wala pa rin syang work. We have a 2 yrs old and i am currently pregnant with our second baby. May work ako at nakatira kami sa bahay nila. Nung una, sabi nya mag aaral na muna sya. Change career daw kasi gusto (BPO sya before), kaso, na adik sa online games. February nung nag start sya maghanap ng work kasi pregnant na ako. At first, akala nya, madali sya makakahanap ng work, pero mali sya. Sobra syang nahihirapan maghanap ng work ngayon. Gusto nya kasi, work from home din, high salary and hindi nagca calls (bpo inaaplayan na ulit nya dahil bokya sya sa private company dahil nga it's more than a decade nung grumaduate sya at di naman nya napractice yung course nya) Tinutulungan ko na sya maghanap ng work, pero napaka choosy nya talaga. Parang nagiging pabigat na sya kasi, sa sahod ko, sagot ko ang prenatal checkups ko, vitamins, labtests. Tapos, may ilan sa need ng first born namin na sinasagot ko na rin dahil dati sya may sagot nun dahil mas malaki sahod nya sa akin. Yung pinang gagastos namin, or yung share nya sa bills, lahat galing sa savings nya na malapit na maubos. Hindi ko na alam pag nanganak pa ako. (CS ako sa panganay ko, so malamang CS ulit ako). Kung saan kami kukuha ng pera. Minsan, naiisip ko na iwan na sya. Dalhin ko ang anak ko, pero naiisip ko, di ko kaya now dahil buntis ako. Ayaw ko mag suffer ang anak ko sa mga decisions ko. Ano ba magandang gawin sa asawa ko?? Kinausap ko na sya dati, pero walang effect. Adik na adik sa online games. Minsan, gusto ko na ipamukha sa kanya na pabigat na sya. #advicepls

2 Các câu trả lời

Be firm with him. Sabihin mo hindi na tayo bata para mg online games, may mga duties and responsibilities na dapat unahin (Ok sana 1hr play per day kaso wala siyang disiplina eh lalo na hindi ok kasi hindi nagpupursige makahanap ng trabaho) Kung gusto talaga niya makatulong sayo hahanap nman yan ng paraan. Kausapin mo ng deretso ano ba problema niya, papiliin mo mgttrabaho siya or aalis ka muna (pansamantala iwan mo siya at pumunta ka sa pamilya mo) kung walang pagbabago sorry sis wala siyang pakialam sa inyo family, hindi pa ata graduate ng pagiging teenager asawa mo. Maaga ako nag asawa 25yrs old kami ng hubby ko wala pa kaming anak noon kaya nasa online games oras niya pero magaling ako mgmanipulate napahinto ko siya sa paglalaro hanggang ngayon wala na talaga 5yrs na, nanunuod nlang siya sa youtube ng naglalaro at least minutues lang.

Sis hangga't nakikita niya na may pera kayo di yan magpupursige maghanap lalo at sabi mo adik sa online games. Kausapin mo ulit sis,pag wala padin siguro need mo muna sya bigyan ng space,napunta na kasi sa online games ang atensyon niya kaya ganyan nagiging choosy sya.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan