Hi mommy, ang hirap talaga makitira at makisama sa kamag-anak lalo kung wala kang magulang, wala kang masabihan, masumbungan. Hays, naexperience ko rin yan noon nung nag aaral pa ako. Kahit anong gawing mong pakikisama at trabaho sa loob ng bahay may masasabi at masasabi parin sila sayo. Hindi mo talaga sila mapplease, yun na sila e. Kaya ngayong buntis na ako ipinapangako ko talaga na magiging matatag ako para sa baby ko, kakayanin ko lahat at ibibigay lahat ng kaya ko wag lang sya lumaking nakikitira or walang magulang. Okay naman na ang buhay ko ngayon supportive ang husband ko at mabait ang family nya kahit dito kami nakatira sa kanila.. Maging matatag ka lang mommy, makisama ka lang, mag extra effort na maging close sa kanila kasi un lang naman ang tangi mong magagawa sa ngayon dahil buntis ka at walang ibang mapuntahan. Tatagan mo lang loob mo at wag mo nalang masyado damdamin kung ano man nabasa mo makakasama sayo at sa baby mo yan. Pray ka palagi mommy. Malalagpasan mo din yan.
Tiis lang sis, ako hindi rin pinanagutan ng boyfriend ko. Hindi na rin ako nakakauwi sa bahay namin dahil sobrang nagalit saakin ang papa ko. Malayo ang work place ko sa bahay namin kaya nakatira lang ako sa boarding house. Alam ko palagi rin ako pinag uusapan at pinaplastic ng mga katabraho ko, pero di ko na yon pinapansin sobrang sakit kapag isipin ko pa mga pinagsasabi nila saakin. Hindi naman natin kasalanan na may mga lalake palang hindi kayang harapin consequences ng mga pinanggagawa nila. Kapatid ko lang kasama ko sa boarding house minsan wala akong kasama kapag umuuwi kapatid ko sa bahay namin kapag walang pasok. Mag isa lang din ako nag papacheck up pero okay lang, iniisip ko kasi kailangan ko mag isa para maging malakas at matatag ako para sa anak ko. Laban lang sis, hindi naman bulag si God e. Di man tayo ipinaglaban ng iba, si God ilalaban niya tayo. God Bless You sis
Sa ngayon siguro dahil wala ka naman mapuntahan kamo, mas okay magstay ka muna dyan sa tiyahin mo, kung ano man ang nalaman mo, isantabi mo muna aa ngayon, para sa baby na dinadala mo, bawal kasi mastress. Isipin mo anak mo, para may mapagkuhanan ka ng lakas.. Ngayon pagkapanganak mo at pwede kana magtrabaho tyaka ka bumawi sa tyahin mo. Wag mo pa rin pakitaan ng hindi maganda. Ituring mo syang ina mo.
Salamat po
wala ka bang ibang pwedeng pakiusapan na kukupkop sayo? mahirap pakisamahan yung mga ganyang plastic, maisstress ka lang kakaisip ..for sure marami ka naman kamaganak ..tsaka ka na lang bumawi kapag nakaraos na kayo ni baby
Hi, sis! Tiis ka lang muna ha? No.choice tayo. Ipon ka para sainyo ni baby or para may mapag lipatan kayo. Labas lagi sa kaliwang tenga sis
Di tlaga maiiwasan tlga ung may ganong kamag anak, meron at merong hindi maganda ang ugali kaya mahirap makitira tlaga e.
Mahirap...tlga pag ganun kht anung pkisama m at maganda pinapakita m ....lgi ikw ang masama
Naranasan ko rin pong makitira since high school. Di mo talaga aakalain na akala mo ok kayo ng kamag anak mo pero yun pala pagnakatalikod ka, sinisiraan ka na pala sa iba. Kahit anong gawin po natin para maplease sila, hindi parin yun magiging sapat para sa kanila.
mahirap tlaga pagganyan, mabait kunyari pero pagtalikod mo.maraming masasamang sasabihin sayo. na experience ko na yan.pero since nasa ganyang situation kana.,pagpasensiyahan muna kung siya rin lang naman makkatulong sayo, malalampasan mo rin yan..
Salamat po
tiisin mo muna sis,hayaan mo mga masasakit na salita nya,di ka nman nya sinasaktan ng physycal,tiis kanlng muna,saan ba parents mo? kong may parents kapa or kapatid much better umuwi kana lng sa magulang mo kasi ang magulng ang mas nakauunawa sayo ingat ka lagi sis at sa magiging anak mo wagkang magpapa stress alam mo na bawal satin yan magka stress...
ur welcome po.
Anonymous