Sana all na lang talaga sa may mga asawa/partner na hinahayaan tayo magpahinga lalo na pag hindi maganda ang pakiramdam naten mga momsh. Natatakot ako na baka mahawaan ko ang anak ko ng ubo't sipon, lalo na ngayon on-off ang low grade fever ko. Mas nakakapagpahinga pa sya kesa saken na maghapon iniintindi ang anak ko pati mga gawaing bahay. Pagod sya sa work, oo alam ko yun, pero yung posible na mahawaan ko ang anak ko, hindi nya naiisip yun. Sinisi pa ako kung bakit ako nagkasakit (nagpumilit kase ako bumili ng vitamins ng anak ko kahit alas 7 na ng gabi pero dyan lang naman sa malapit na botika). Ako na nga lang nag aadjust pero yung asawa ko parang walang paki.
😭😔