I Need Advice

Sana may mkapansin, need ko n tlaga ng advice 4 days nkong iyak ng iyak dahil sa nangyyre samin ng partner ko, nagaway kami in some reason na humantong sa nagksagutan kaming dlawa,?? iyak ako ng iyak dhil humantong sa mghihiwlay na kming dlawa kinausp nia ko at sabi nia pgod na daw sya sa akin dahil sa ugali ko, binigyan nia pa ng pgkakataon na ituloy prin ung relasyon nmin pra sa baby nmin. Nging okay nmn but everynight lagi akong umiiyak? dhil dun. Nrrmdmn ko ksi na d na nia ko mhal at dhil nlng sa bta. Kinausp ko sya at tinanong ko sya regarding sa nrrmdmn ko at ang sabi nia mhal p nia ako pero d na tulad ng dati at dhil nlng din sa bata dhil ayw nia lumaki ito ng broken family. Mali ba na masktan ako? Umiiyak nlng ako gabi gabi dhil pkirmdm ko npipilitan nlng sya na pkismahan ako. Lagi ko sinsabi sa knya na mgbbgo ko kung my problema sa ugali ko pra lang mging okay at bumalk kmi sa dati. Pero sabi nia huli na daw ako dhil pgod na sya. Gusto ko ipglaban ung fmily ko pero evrytime na maiisp ko un nssktan at umiiyak lang ako.. Dapt ko na ba sya ilet go?? hindi ko na ksi alam ang ggwin ko?

32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang love parang bonfire, in time humihina at nanlalamig kapag di nagagatungan,,, hanggat handa kang gumawa ng necessary changes sa ikabubuti ng pamilya niyo may pag-asa pa yan lalo't di pa namn naglelet go ang partner mo. Naranasan din namin yan ng asawa ko, naghiwalay pa nga kami ng almost 1 year dahil hindi dahil sa pagkakaiba namin kundi pareho kaming immature at mainitin ang ulo. After a while napagdesisyonan namin na ayusin ang pamilya namin hindi dahil sa mahal pa namin ang isat isa, given na may feeklngs pa kami pero aatusin namin ang pagsasama namin para sa anak namin. Hindi namn agad nagkakasundo kami, nagaaway pa din kami noon pero pareho naming gustong iwork out ang marriage at family namin. Nagudjust kami pareho, pero more on ako nagudjust kasi mahirap para sa kanya na maialis agad ng pagiging mainitin ang ulo, minsan pa nga padalosdalos ang salita niya, imbes na pilitin ko siyang magbago agad, binago ko sarili ko. Madali lang namn lalo't alam mo ang benefit kapag ikaw mismo ang mas naging pasensyoso at mapagpatawad... Ngayon after almost 8 years na mula ng magbalikan kami mas ok na kami,,, mas mahal na namin ang isat isa kesa noong una, priority pa din namin ang pamilya namin, kapag may di pagkakaunawaan minsan kailangan muna na wag magusap ng sandali, kapag mas malinaw na utak namin at mas mahinahon na kami saka namin pinaguusapan ang problema, hindi din kami basta batsa nagbibitaw ng masasakit na salita, kapag galit kami sinisikap namin na manahimik nalang... Nakatulong din samin yung pagaaral ng bible, at pagbabasa ng mga bible base publications...

Đọc thêm
Post reply image

Bakit imbis na magalit sya sayo dahil sa ugali mo bakit d nya nlng intndhin sitwasyon mo, taasan ang pasensya sympre d rin naman sana natin gusto na khit sa maliit na rason hahantong sa ganya.. kami nga ng partner ko madali talaga ako magalit, kahit wala naman syang ginagawang masama pag once na ayaw ku yung sinabi nya d na ako umiimik ayun alam nya na na nag iba na naman ihip ng hangin, sinasabi nya nalang na BAKA NASIPA NA NAMAN DW NI BABY ANG BUTTON kung saan mag iiba agad mood ko😊😊, ang taas taas ng pasensya ng partner ko, im just thankful that God gave me such a wonderful and amazing partner, LDR po kami ng partner ko, mga 2days d kami nag uusap masyado sinasabi nya nalang na namimiss nya ako, ako hinihintay ko nlng na maging okay ako tapos ayun text ko na sya ng mga sweetwords, dpat sa mga partner natin pag once na buntis tayo taasan nila pasensya nila.. ako partner ko lagi ko tinatanong na KUNG MAHAL NYA PA BA AKO😅😅 kasi nga sa ugali ko😅😅 lambingin mo si mr. Momsh at sabhin mo na naging ganyan ka kasi buntis ka,,😊😊

Đọc thêm

Alam ko yang nararamdaman mo, naranasan ko na din yan. Nagkablack eye pa nga ako di ko pa alam non na buntis ako. Ako palaging sumusuyo sa kanya. Tuwing nag aaway kami gusto nia na din akong hiwalayan, minsan inisip ko ng umuwi sa mama ko pero nangingibabaw ung pagmamahal ko sa kanya kahit nahihirapan na ko. Sabi nila pag lumabas na yung bata magbabago daw lahat, may kakilala ko kinwento nia sakin bagong kasal sila away bati daw 3 beses nga daw silang bumili ng wedding ring kase palaging tintpon pag nag aaway nung lumabas na daw ung bata naging okay ang samahan nila. Gawin mo ung mga bagay na ikatutuwa nia asikasuhin mo sya, ipagluto mo, ipaglaba mo ng damit. Ako kahit buntis na ko naglalaba pa ko, pinagpaplantsa ko sya. Ung mga bagay na kailangan nia binibili ko, naaappreciate naman nia kahit bimpo lang. Wag kang malungkot, sinabi naman nia sayo mahal ka pa nia. Gawin mo kung anong gusto nia, kung may mali sa ugali baguhin mo. Tsaka pag mag aaway kayo hanggat maaari wag kang makikipag sigawan.

Đọc thêm

mommy just show to him na you can change ,asikasuhin mo sya lagi kamustahin sure naman ako na babalik lahat ng love nya dati sayo lalo na pag ilalabas mo na yung baby nyo yung worry nya sayo and care lahat yun babalik ,dont be angry in a small things mommy give him a deep understanding narealize ko yan nung panahon na pinalayas ko sya at sinabi nya din na pagod na sya sakin yung partner ko I really down my pride para sa love ko sa kanya at sa baby namin kasi feel ko kulang talaga ang bawat araw na hindi ko sya nakikita ,nayayakap at katabi sa bawat araw at gabi now im always asikaso him and yun nga kinakamusta ko sya para yung dating sweetness namin bumalik at tumatag kami minsan din kasi OA or sobra na rin tayo sa ating mga partner to the point na hindi na natin minsan naiisip mga sakripisyo din nila satin para lang mapasaya tayo PAKATATAG KA MOMMY FOR YOUR FAMILY,BABY AND HEART PRAY ALWAYS LOVE LOVE

Đọc thêm

I am thankful sa partner ko kasi kahit hindi ko na mabilang ang times na nagsabi akong maghiwalay na lang kami, lagi nyang sinasabi na kung hanggang dun na lang daw ba ang naiiisip kong solusyon. hindi daw yun ang solusyon. ngayong pregnant ako mas naging tolerating sya sa akin... may times talaga mommy na mapapagod sila, lalo na hindi naman kasi sila madalas maglabas ng saloobin. mahilig sila magkimkim. ipakita mo na lang sa kanya na pinipilit mong baguhin ang sarili mo, lalambot din yan. saka remind mo din sa kanya na during pregnancy nag-aamok ang hormones natin kaya may mga times na hindi natin control ang mga nararamdaman natin. feel ko na love ka nya pa talaga kasi kung hindi iniwan ka na nya. yan ang panghawakan mo and strive to be better.

Đọc thêm
Thành viên VIP

MOMMY! Please know your worth. Maraming beses ko nang nasabe dito na malalaman mo lang talaga ang tunay na ugale at masusukat ang ily's nyan sayo kapag nabuntis ka na nya. Umuwi ka na lang sa inyo, dahil doon mas maassure yung kalusugan nyo ni baby, ganyan naman sila eh walang pake kaapg nahihirapan tayo tapos kapag nakaraos o kaya okey na tayo saka sila babalik ulet at kunware mahalaga ka sa kanila. Yang mga lalake na yan kegagaleng. Kakikitid ng paguutak. Ireverse psychology mo, wag mong ipakitang weak ka. Ipakita o sa kanyang kaya mo kahit wala sya. Kahit pretend mo lang. Para naman masampal sya ng sentido komon at marealize na mali sya. Go girl! Do it I'll assure you na nqgwowork talaga yang reverse psychology. Kung hinde then cut him off

Đọc thêm
6y trước

makisabat lang po, ako nga po di pa kami nagsa2ma nasa2bihan ng kung ano ano nung kumag na yun, pero hanggang dun lang naman sya, kaya ko ipakita na hindi namin sya kailngan,

Tatagan mu loob mu momshi pra ky baby..Same tau momshi lagi nea cnsbi skn na sawang sawa na sa ugali cu onetime pnpalayas cupa cea hanggang sa tntpon cu dmit nea lumyas lang cea pro umiiyak nlang dn cea ska pa acu nta2uhan na buntis pla acu at kailangan ni baby ng tatay kea gngwa cu pg ng-aaway kmi thimik nlang acu sabay iyak kc wla dn mpa2la if mgsigawan kmi kung nde rin nmin kayang mawala ang isa't isa at msira family nmin..Ramdam cu mahal nea acu at dala lang ng galit kya nka2pgsbi ng gnun..Gnean tlga buntis very emotinal..Pkiramdaman mu dn srile mu if nsa2kal muna cea or anung mali sa gngwa mu bguhin mu pra sa family neu..laban lang momshi pra ky baby

Đọc thêm

kme ni hubby ko...nitong nagbuntis aq npapadalas din tampuhan nmen..na aq nman lage nag sisimula kac napakamoody ko nung nagbuntis aq.. lage q pa cnasav na suko naq.. magkalau kac kme kac asa malau work nya peo umuuwe nman xa evry other wik.. super thankful lng aq kac sobra maunawain ni hubby... di nya cnasabayan galit ko.. xa pa nagsosorry... kea minsan npapaicip aq..ansama q nmang aswa wawa nman c mahal koh...un kinokontrol ko nlng sarili ko .. kac mahal na mahal ko aswa q..at mahal n mahal din nya kme ni baby..1st baby nmen to at kabuwanan ko na super excited n kme kaht sobra dme nmen pinag daanan sa pagbubuntis ko...😊 pray lng moms.

Đọc thêm

Also consider the feelings of your husband maam. Kasi di rin madali sa kanila ang situation nyo. Like you, naninibago pa rin siya at be patient with each other. Tignan mo rin kung nagging demanding/super moody/selfish ka towards him kahit di mo sinasadya. Minsan kasi di natin nakkita yung sarili natin na sumusobra na dahil excuse natin dahil hormonal tayo dahil buntis. Try to be calm and patient. Afterall, when the child comes, kailangan mo ng madaming patience towards tantrums and long sleepless nights. And wag na masyado umiyak, think about your baby. Love na love nya kayong mag asawa so be strong for your baby.

Đọc thêm
6y trước

Thank you mamshie😭

Wag mo muna i-overthink ang relasyon nyo. Tho di mo maiiwasan na gawin yun. Pero since nagdecide naman siya magstay even for the baby lang that's good enough. Pwede pa maayos yan. Pero wag ka masyado umasa sa kalalabasan ng relasyon nyo. Ang mahalaga ang common ground na iniisip nyo eh kapakanan ni baby. Focus ka muna sa pagbubuntis mo. At paglabas ni baby since di mo alam hangang kailan din magstay si hubby mo dahil unstable kayo ngaun work just enough para kaya mong sustentuhan si baby if worst comes to worst. Di yung tipong very dependent ka sknya na pag nawala si hubby mo kawawa kayo pareho ni baby.

Đọc thêm
6y trước

Thank you po., hindi ko din ksi maopen sa fmily ko kaya wla po ako mpagsabihan. Kaya lahat ng skit d ko mailabs. Mhal ko ang prtner ko kaya hanggat maaari ayaw ko po tlga na mghiwlay kmi. Pero pilitin ko po na magpakatatag pra sa baby ko. Slamat sa advice po