32 Các câu trả lời
April 16 ang due ko pero nanganak ako April 13 (39wks4days). 1wk akong 1cm nun pero no signs of labor. Ang ginawa ko po lakad ako ng lakad, akyat baba ng stairs, squats, kain ng fresh pineapple tapos lagi din ako may pineapple juice, hinog na mangga, tapos niresetahan ako ng evening primrose na 3x a day ittake. April 11 nagstart na manakit likod ko hanggang tyan, parang dismenorrhea na 10x ang sakit tapos may dugo na din akong discharge. Nung dinala ako sa hosp ng Monday morning 6cm na ako hanggang un derederetso na labor ko ☺️
Ako sis nanganak na ko nung april 13.. Ako naman 3cm start nung april 10, puro lang hilab pero malalayo interval.. Daming discharge na lumalabas, palagi ako pumupunta ng lying in para magpa ie pero 2 days ng 3cm.. Sabi sakin sa lying in kumain daw ako ng luya pero ung katas lang po😊.. Very effective xa sis, ginawa ko un april 12 ng hapon taz nung gabi sige na ang paghilab kaya nagpadala na ko sa lying in.. April 13 nanganak na ko.. 2hrs. Of labour😊
Hi mga momsh ako din 38weeks & 5days. 1cm pero 50% effaced na daw un cervix ko. may onting blood dscharge pag nakilos. onting hilab at mskit sa puson. Pineapple juice and fresh ginger tea iniinom ko bukod sa nireseta na Eveprim.. God bless sa atin mga April moms 🙏😇 Saan kaya mas safe na manganak lying-in or hospital? kayo saan po?
prayers lang and kausapin mo lang si baby. God bless and praying for your safe and healthy delivery.
Ako 39 weeks na...last week 1cm...kahapon sa check up 1cm p dn...pero pinapa admit n aq ng ob ko...hindi muna aq ngpa admit...ayoko mgpa induce labor...puro yellow discharge n kc ako at medyo malambot na daw cervix ko...sana makaraos n tau mga team April...keep praying lang...☺️
Oo sis.. 😊
38 weeks and 2 days. 3cm na rin ko since nung monday pa 😥😟pero bibihira pa yung paghilab. Been taking primrose, pineapple juice..pineapple fruits at walking umaga at hapon for an hour. Di pa din magtuloy tuloy ng labor. Hayyy what to do.? 😒
April 10 po may lumalabas na sakin na pink discharge then nagpa ie po ako sa lying in 3cm pa lang daw.. Humihilab pero tolerable pa naman.. Then sabi sakin ng midwife sa lying in maglakad lakad and squat daw ako pero ginagawa ko naman talaga un.. Then april april 11 mas lalo dumami discharge with konting blood na pag ie sakin 3cm pa din daw kain na daw ako ng luya pero ung katas lang daw sabi ng midwife, sinunod ko kc gusto ko na talaga mkaraos natatakot ako baka magpoop na c baby sa loob.. April 12 ng tanghali kain ako luya taz inom salabat, april 12 ng gabi cge na ang hilab nagpunta kami ng lying in 7-8cm lakad lakad muna daw ako or pwede din matulog muna daw kc umaga na daw ako manganganak.. Kain na naman ako luya, nagbaon kc ko sa lying in😊 Taz april 13 ng 5am start na talaga ng sunod sunod na hilab 6:58am baby's out👦
team april here.. i'm on my 39th wk and 2days.. no signs of labor yet. second pregnancy ko na ito. di pa ako nakapagpacheck up. excited na talaga ako. makakaraos din tayo mga nay, konting tiis pa 🤗 God be with us all
Yes mamsh konti na lamg 🙏🙏🙏
Ako nag 2cm tapos after 2 days pumunta kami ulit sa lying in ng mister ko para magpaie ako kase may lumabas sakin na brown discharge, tapos nung inie na ako 1cm palang :( 4days na akong 1cm. 38 weeks and 6 days na ako now.
Oo nga eh, mahirap na baka mag overdue pa kawawa ang baby natin if ever. Pero wag naman sana. Nag s-squats ako and umiinom ako ng pineapple juice mumsh pampalambot daw at pampabilis ng progress ng cervix.
Team april here! 39 weeks and 3 days na ako now EDD ko na sa April 18 no sign of labor pa din puro braxton hicks pa lang pero nag pa IE ako nung April 3 2cm na sana maka raos na tayo momsh. 😇🙏
Ilang cm na cervix mo mommy?
same here mamsh 38weeks and 4days na ako no sign pa rin, last checkup ko april 3 ni ie ako 2cm palang sabe matagal pa daw.. pero sana nga makaraos na tayo, goodluck! ☺️
Yes mamsh pray lang tayo konting kembot na lang din mamsh 🙏🙏🙏
38 weeks & 1 day May Awa ang Dios mga Sis.Makakaraos din tayo sa kabila ng mga nangyayari sa buong mundo.Manalangin at manalig lang tayo.😇😍🙏🙏
Tama Sis🤰🏻🙏
Jhen