Mga mommy pwede po ba pinya sa buntis 6 months preganant po, ito kasi crini crave ko😭
Salamat po sa sasagot
much better kung magtanong kayu sa OB nyu momshii at iba iba kasi katawan ng babae depende sa kapit ni baby. 😇🙏
aq lagi pinya yung hinahanap ko pro awa sa diyos wala naman po nangyare ngaun maglalabor nalang pinya padin hinahanap ko😅😁
okay lang. wag lang yung sobrang dami. kumain din ako niyan 2nd tri na ako. siguro mga tatlong hiwa. okay naman
ok lang mi.. pero wag sobra.. lahat ng sobra masama.. ako lahat ng bawal ng matatanda yun gustong gusto ko kainin.
Pwede naman sis. As long as hindi sobra, may sugar content din kasi yan at masakit sa dila pag sobra, diba 😊
nakakalambot po ng cervix ang pineapple kaya hanggat maari wag po masyado kumain or kahit iwasan muna po.
prutas lang naman po yun eh haha di na kasalanan non kung mag open cervix ka kung mag oopen talaga
pwede po. Kumain ako ng pinya nung buntis ako. Hindi totoong nakakalambot sya ng cervix
yung friend ko po 8weeks preggy, nag crave ng pineapple, nakunan po. bawal po daw.
Sabi ng Ob ko pwede naman, basta in moderation lang daw. Hindi sobrang dami
Soon to be mom