Hello sainyo. Pa vent out po. Dapat ba akong mainis? Nainis po kasi ako sa sinabi ng MIL ko kanina.
Bale kapapanganak ko lang po and nung time na manganganak ako is walang wala kami mag asawa dahil bigla kami nakapamili ng food supplies dahil biglang umuwi mga biyenan ko dito samin para daw may kasama ako pag bumalik na sa work si hubby. So ang ending, although sabi ko sa public na lang ako manganganak, nasa 500 pesos na lang ung pera namin sa wallet at hindi pa pumapasok ung niloan namin na 3500 kaya nanghiram kami ng 2k kay MIL just in case na kulangin kami sa mga gamit na ipapabili sa hospital.
Ngaun po, pumasok na ung loan na 3500 pero mapupunta din sa food supplies dahil hindi pa nag aabot ung mga kapatid ni hubby sa pledge nila dagdag budget para sa parents niya kaya kinausap ni hubby si MIL kanina na di na muna niya mababayaran yung utang na 2k agad agad. Tapos biglang sabi sakin ni MIL, pa-casual lang naman. Na bat daw hindi ako manghingi sa daddy ko pang tulong sa panganganak ko at bigay na lang daw yun kay baby? Kasi sigurado daw na malakas kumita daddy ko kasi nagdederby. Hindi na lang ako umimik mga momsh kasi mejo inis na rin po ako. Kasi sa isip isip ko, ngaun na lang sila tutulong samin which is babayaran din naman namin, ipapasa pa sa parents ko na lagi nakaalalay samin pag walang wala kami.
Hindi po ako nanghingi sa daddy ko kasi may utang pa kami sa kanya at ayaw na niya pabayaran sakin kasi manganganak na nga daw ako nung mga oras na yun kaya okay lang daw. Btw, ung inutang po namin sa kanya is para makakain lang kami ng maayos kasi nagbabayad kami ng utang dahil sa pagpapadala sa in-laws ko before. At ayoko rin po manghingi kasi dapat suportado na ko ng asawa ko, hindi na ng parents ko. Pasensya na po, napahaba. ??
Anonymous