28 Các câu trả lời

aba'y feeling binata yang asawa mo, naku, nakakainit ng ulo hahaha! mabuti pa talagang layasan nyo na yan ng anak mo at wag na magpapakitang muli. may parents ka pa ba? doon mo na lang muna iiwan sa parents mo ang baby mo para makapag work ka. wag ka nang tumanggap ng sustento jan sa asawa mong walang kwenta. hindi porket nagbibigay siya ng sustento e mabuti na siyang ama, hindi lang naman pera ang kailangan ng anak nyo kundi pati ang presensya niya. kung hindi pa siya handa maging ama edi iwan mo siya. magbuhay binata siya tutal yun naman ang gusto niya, unahin ang mga barkada.

TapFluencer

Hi miii .. Sa totoo lang. Yung mga ganyang partner ndi na dapat hinahayaang mang trato ng ganyan sa partner nila. They actually don't deserve to be called a father. How can he say such things sa nanay ng anak nya. Miii for sure sa sarili mo alam mo ang sagot jan ndi mo kailangan pang itanong samin. Understandable na nag po-provide sya ng needs nyong mag ina pero, the way he treats you isn't something can be tolerated anyways, Leave him mas better kung isesettle mo yung sustento ng anak mo with him and have your peace of mind ask help sa side mo if you can & mag work ka.

For me hindi, I have 2 kids magkaiba Tatay. I don't what went wrong before na after magkababy dun sila lumayo, kahit singkong duling never ko sila hiningian, I'm just lucky with my Mom who is also a single mom to support me . Ngayung malalaki na sila I work at night as call center agents, tahimik kami, hindi ko feel na namamalimos pa ako, di na ako nagooverthink at may tumitingin sa anak ko. Siguro depende sa sitwasyon sasabihin nyo pero lage nyo isipin, "it won't be like this forever" samahan nyo ng prayers ☺️

pinapalayas ka niya para un focus niya mapunta sa barkada niya at bisyo..kung kasal kayo ipakorte mo para dun sa sustento ng mga bata kahit na hiwalay kayo...ipaglaban mo un karapatan mo at mga anak mo malaya mo kaya malakas un loob ng asawa mo na palayasin kasi may ititira siyang bago...be wise..tumira ka muna sa magulang mo para may may karamay ka pag ok ka na ska ka na maghanap ng trabaho at least alam mo na may mag-aalaga at magmamahal sa mga anak mo habang nagtatrabaho ka.

Nasa saiyo naman yung kung gusto mong lalong magmukhang tanga ng dahil sa lalaki. Kiber na siya ang tatay ng anak mo,bakit,ikaw ba naisip niya? Na dapat kang mahalin at igalang dahil ikaw ang nanay ng anak niya. Ewan ko nalang sayo kung ready kang magpakagaga sa lalaking dika naman mahal. It's not about you or him na, it's about your child na. Sa tingin mo kung ganyan ang magulang niya,magiging maganda ang environment na kalalakihan niya? No way?!

naku mi layasan mona yan marami talaga sa lalake ang hindi maiwanan ang barkada bisyo oh khit ano na nauna sakanya kisa saatin pero nagpamilya sya since hnd para ipamukha satin uunahin nya ang nauna gaya ng barkada ung tayo sknila na pamilya dapat ang inuuna hnd sa nauna layasan muna yan mi wag mo sayangin ang buhay nyu sknya ng baby mo hindi ama ang tawag sakanya kahit napapakain nya kayo anjan na nga ung pera pero wla nmn sya respeto

Naku mi, layasan mo na yan.. mga ganyang klase nang lalake, iniiwan.. mababaliw ka lang sa stress pag nagstay ka sakanya.. it only shows na hindi ka nya ganon kamahal at kaimportante sa kanya.. same situation tayo, yun lang aken kahit sustento wala.. tinawag pa ako mukhang pera nong pinapabayad ko sakanya pedia vaccine ni baby.. magmula non, inalis ko na sya sa buhay namen nang baby ko.. laban lang mi and always pray to God..

hindi natatapos sa pagsusustento ang pagiging ama. hirap kaya mag alaga ng bata. 🤦🏼‍♀️ mamsh, lumayas ka nalang kesa ganyan. wag kang papayag na wala syang respeto sayo. tandaan mo you deserve what you tolerate. ipakita mong kaya mo. kaya may mga ganyang pag uugali kasi akala nila hindi sila kakalasan e. haaay nanggigil talaga ako sa mga ganito e kala mo kalalaki ng mga etits 😂

Nakaka hiya naman sa bare minimum na iniiyak nya. Obligasyon nya sayo bilang asawa at sa anak nya na ilaan oras nya para alagaan kayo at mag provide. Walang kwentang partner at higit sa lahat walang kwentang ama. Kung ganyan lang din na mindset ang kalalakihan at magagaya ng anak mo, layasan mo nalang. Mag focus ka nalang sa anak mo kasi isang napakalaking problema lang sya.

kung ganon din namn po na nag fefeeling binata sya, layasan nio na ho.. wala kayung mapapalang mag ina jan. mas mabuti pang ikaw na mismo bumuhay sa anak mo. umuwe kapo sa magulang mo pra mkapag work ka..wag mong asahan ang pera na ibbgay ng walang kwentang lalaki na yan baka s huli isumbat pa sayo ung pera binibgay nya.. bandang huli mg sisisi yang loko na yan .

Câu hỏi phổ biến