40 Các câu trả lời
Di ako mahilig sa sweets nung di pa buntis. Nung buntis na ko hilig ko na, nag start 2nd trimester hirap magpigil! Ginawa ko everyday sa cravings ko nililimit ko sya. Pag ako nakakain na ng matamis sa isang araw kahit milk or milo, di na ko kakain nyan or iinom, bukas naman. Feeling ko nga nasosobrahan na ko eh sobrang takot ko kasi feeling ko may gestational diabetes na ko may lahi pa kami diabetes. pero netong month nagpa OGTT ako normal lang sugar ko.. Sobrang saya ko haha (btw 3rd trimester 8months na ko) so ganon pa din minamanage ko sya sa isang araw once nakakain na ng matamis di na ko kakain nyam bukas ulit pero onting amount lang. Like isang cream o sa isang araw, or isang balot ng hersheys sa isang araw, donut isang piraso lang. Or kaya nakainom ako milo di na ko kakain ng matamis ganon po basta masatisfy lang dila ko 😊 may bukas pa naman hahaha
Ako po sa sweets naglihi. As in everyday, parang di ko kaya na walang nakakain na matamis. Super dami ko nga din uminom ng water every kain ng kahit ano. Pero wala. Ayun gestational diabetes padin inabot. Pinag monitor ako ng sugar, then diet talaga. Kaya control control lang mami. Buti ako kabuwanan ko na kaya konting tiis nalang din ako. Tiisin mo po mami hanggang sa abot ng makakaya mo. Hirap din ako magtiis before, pero mas mahirap pala pag nagka gestational diabetes. Yung diet and monitoring, nakakaiyak. ☹️😅 Pwede din daw po kasi maka affect yun kay baby. Kaya more tiis mommy, kaya yan! 😊💪
Pareho tayo momsh diko mapigilan kumain ng matatamis lalo na kung nakasanayan kuna . Tapos nung pinag blood sugar ako nakita na mataas sugar ko kaya pinipilit nila akong mag diet at umiwas muna sa matatamis dahil maari daw na mawala ang baby sa tyan palang . kaya natakot na kmi diet muna ako hanggang sa manganak ako bawi ako ng kain pag labas ni baby
lahat naman po ng sobra ay bawal. eat sweets but in moderation. ilang months lang naman po kayo mag titiis then after niyo manganak pwede na ulit. iniiwasan po kasi natin ang complication lalo na sa baby. kayo din, gusto niyo po ba magkasakit ang baby niyo dahil lang nag ccrave kayo sa sweet na pwede naman pigilan .
Ako po msyado natuwa sa sweets after first trimester ending ngtutusok po ako everyday for sugar monitoring ngka gestational diabetes po ako... hehe ngyon pati rice and any other carbs sobrang minimal intake lang po. Pero kumakain paren po ako sweets sobrang control lang.
Nako mumsh . Ikaw na mag control . Ganyan din ako . And kabuwanan ko na gayon november . And promise ang hirap kase lumaki so baby . So pinagddiet ako ngayon . Eh duadate ko na ngayong 12 . Malaki na kase si baby
water sis. then kapag nagcrave ka ng sweets, try mo mag fruits. di naman kelangan chocolate kapag gusto ng matamis. kelangan din kasi sis ingatan ang blood sugar kapag buntis. prone kasi sa gestational diabetes.
Pareho tayo momsh. Pati sa pagtulog ko ang napapaniginipan ko ay chocolate cake 😅 As in ang hirap pigilan. Pati palaman ng tinapay ay nutella. Na guguilty naman ako pagkatapos 😞
pwede pa rin nman po momsh, in moderation lng... pero kung sakali na di ka pa rin masatisfy kunwari kumain ka ng cake, edi yung sunod mo na kainin yung matamis nman na fruits dba 😊
Di naman po bawal ang sweets. Ako simula first trimester ko hanggang ngayong 8 mos preggy na ako mahilig pa din ako sa matatamis. Inom nalang din ng maraming tubig after 😇
KALM