Ask lang po mga miiii

Sabi ni mil 2yrs old pwede na isama sa galaan sakanila si baby. Pwede na po ba yun 2yrs old iwan ko na po sa mga lola niya? 1st time mom here po

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!

Đọc thêm

personally di mapapanatag loob ko iwan anak ko knowing gagala pa sila. iba pa din ang alaga ng nanay eh. mahirap na if may mangyari sa anak mo. mabuti na safe. kausapin mo husband mo na both sa inyo manggaling desisyon wag pasamahin ang anak nyo. Set your boundary sa in-laws mo. Karaniwan talaga sa father's side, may disrespect sa mama eh pinapangunahan ka.

Đọc thêm
6mo trước

bakit ka kasi di na lang isama sa gala nila? may something din sa in-laws mo eh 😂 anyway, sana support si husband sa desisyon mo kasi kung Mama's boy pa yang asawa mo eh kawawa ka naman talaga.

For me no.. D ntn alam ano pwede mangyari or mapahamak ang baby as a mother masakit at tau ang pinakaapektado pg my nangyari sa anak ntn imagine dinala mo yan ng ilang buwan asa isang hukay ang paa mo pgluwal mo nyan anak mo yan kya kung dka kasama sbhin mo hndi pwede ganon lng asa knla na um kung maintndhan nla or gawing big deal. Ang importante caring ka sa anak mo.

Đọc thêm

kung san ka komportable mii. kung komportable ka naman na maalagaan nila si baby ai di go. wala naman siguro silang gagawing masama sa apo nila or papabayaan. andun yung worry mo, it's normal. look at the brighter side na lang na kahit papaano eh makarelax ka pag aalaga kay baby. the decision eh sa inyo pa din mag asawa 😊

Đọc thêm

that depends on you po. if comfortable ka na ipasama si baby sa kanila without you, then I think its ok. pero kung alam nyo pong di kayo mapapanatag dahil di nyo alam nangyayare every second, I suggest na explain mo na lang din po sa MIL mo, or kausapin mo po si hubby para sya po mag explain sa family nya.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hello there. Una sa lahat, bilang nanay kung hindi ka comfortable iwan/ipasama ang anak mo, mas maiging sundin ang mother's instinct mo. Kasi pag nagkaproblem, mag sisihan pa. Mainam na kunin mo din support ng husband/partner mo sa mga ganitong desisyon para mas maayos din ang relationship sa mga in laws.

Đọc thêm
6mo trước

Ayoko po sana kaso ayoko din po isipin na pinagdadamot ko apo nila..sa totoo lang po ayoko po pinapangunahan nila ako kung kelan po ssama anak ko sakanila. Ang hirap po ng gantong sitwasyon🥹

Pwede na ba sa galaan? Opo naman. Pwedeng iwan sa lola? Pwede, pero depende sayo. Personally, ok akong iwan sa nanay ko si lo for a day but not to my mil 🤷 It's more of a matter na ayaw ko sila maabala sa paga-alaga rather than kawalan ng tiwala. Hindi po ba kayo kasama/ imbitado sa mga lakad nila?

Đọc thêm
6mo trước

@OP 3yo na si firstborn ko at last month lang yung first time na nangyaring hinayaan ko syang sumama sa galaan na hindi kasama either ako or si papa nya (day trip). Before that, laging kasama ako or si hubby. Kapag hindi kami available, automatic na yun na hindi rin pwede isama si lo. So I think dapat maintindihan rin yun ng in-laws mo, ano naman ba ang say ng asawa mo? @Caroline alam ko rin kasi based from experience na kaya ng nanay kong alagaan si lo. Si mil, ni hindi nga kayang buhatin nang matagal 😅

Influencer của TAP

kung ako yan hindi ako papayag, unang una breastfeeding si baby kung tulad ng baby ko na mayat maya ang dede e hindi talaga pwedeng mawalay sakin, isa pa pag nagka problema(wag naman sana pero what if lang) di naman sila mamomoblema sa gastos, satin din babagsak yun.

Ako na kahit close ko pa hndi ko hahayaan iwan ang bata saknila. Dapat all eyes on your kids mahirap mag sisi sa huli. Kasi pag may nangyari sa bata puro sorry lang naman sasabihin nila. Pero d namababalik ung nangyare na

para sakin po hindi, ikaw masusunod sa anak mo, kung ayaw mo ayaw mo, irespeto nila yun. at kung ayaw nilang pumayag edi sumama ka. usap din kayo ni mister mo about jan