Kung first pregnancy po mas okay sa hospital. Pero pwede din naman sa lying in pero dapat may plan B ka or backup na ospital kasi sa lying in normal delivery lang ang kaya nila unlike sa hospitals, pwede normal and cs/emergency cs.
Ako ang ginawa ko 3 ang pinapagpacheckupan ko, yung isa sa lying-in na malapit lang samin if ever na kaya i-normal dun nalang kami. Nagpapacheckup din ako sa dalawang public hospitals para kung sakaling ma-cs or magkaron ng complications during labor may mapupuntahan agad kami. Ginawa naming dalawang public hospitals minsan kasi tumatanggi yung public hospitals kapag punuan na sila.