Edit 2. Posted this 2 months ago.
Stress, experiencing post-partum baby blues, and helpless.
Hello mga mommies! Update po sakin after reading all of your words of encouragement and mga advices.
May na contact na ko na kamag anak na mag aalaga sa baby ko while i'm currently working from home. 😊 Nakakatuwa kasi di ko akalain na malalagpasan ko yung mga araw na stress na stress ako dahil wala akong career at walang katulong mag alaga sa baby ko bukod kay hubby ay nabigyan ako ng pag-asa ni Lord, iba talaga nagagawa ng prayers at pag susumikap syempre at yung moment na nag labas ka ng sama ng loob mo sobrang naging malaking tulong sakin yun nabawasan yung bigat na nararamadaman ko. Kaya kung may mga saloobin kayo ilabas nyo lang yan sobrang helpful pala non. SALAMAT MGA MOMMIES SA LAHAT NF SUMUBAYBAY SA KWENTO AT DRAMA KO SA BUHAY, SANA KUNG ANO PA MAN MAPAG DAANAN ko ay malagpasan ko sa tulong ni Lord. At sana kayo rin. 🙌😇🙏
Edit: Hi, Mommies I read all your comments, advises and words of encouragement. Thank you po sa inyong lahat nakakatulong po kahit papano para ma uplift yung mood ko at kahit papano makapag isip-isip ng maayos. I admit na maling-mali na naisip kong ipaampon ang baby ko. Being a first time mom na walang emotional support mula sa pamilya ay napakahirap po pala, di ka makapag open up dahil baka i-judge ka kaya kinikimkim ko at eventually di ko kinakaya kaya na burn out ako at naisip ko yun kasi Mommies ayoko dumating sa point na sobrang galit ako at masaktan ang baby ko kaya yun ang naisip kong solusyon at sana patawarin nyo ako at ng baby ko sa mga naiisip ko sa kanya. Sa mga nag sasabi po na abnoy ako you will never understand me unless kayo ang nasa sitwasyon ko or kung sino pa mang Nanay ang dumadaan sa ganito. Now I am trying to reach out to my friends at humingi ng comfort and also trying to seek for professional help na rin para hindi po ito lumala at mauwi sa depression. Salamat mga Mommies, paulit ulit kong babasahin at unti-unting i-apply ang mga advise nyo sa akin hanggang malagpasan ko to. Hindi ko kayo maisa-isa pero sobrang thankful ako hindi nyo ako kilala pero iba po ang naibigay nyong impact sa buhay ko sa bawat salita na binibitawan niyo ay nakakapag pabago ng buhay ng tao. Salamat po sa inyo..
Saan po kaya pwede ipaampom ang anak ko legally? Tbh, hndi ko na sya kaya alagaan. 17 months old na sya. Wala pa naman problema sa ngayon financially sa kanya kasi maliit palang gastos pero sooner or later feeling ko di na kasya samin ang income lang ng mister ko. iba din ang mental breakdown na dulot sakin lalo na kapag nag tatantrums sya, yung ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa dahil kailangan naka bantay lang ako sa kanya. Parang gusto ko nalang magpakamatay.. Di ko na kaya Mommies, feeling ko di nya ko deserve as a mom. Total failure ako.. Wala akong mabibigay na magandang future sa kanya.. Kaka graduate lang at mag sisimula palang mag build ng career nung ma buntis though pinag usapan naman namin ni husband to. Kaso di ko pala kaya mag anak. Di ko kaya emotionally and mentally.. #1stimemom
Anonymous