555 Các câu trả lời
Bible Verse and Greek name means :) . JOHN- Bukod sa Bible verse to at Dahil to first baby namin ng Husband ko , sinunod ko sa first name niya. May JOHN din kasi ang First name niya .. Ethan- Greek name means "STRONG" .. Almost 8months na or weeks nalang ang iintayin lalabas na siya, pero ni isang vitamins wala pa kong tinetake,pumapasok sa school sumasali sa mga Activity tulad ng pagsasayaq sa school naglalakad ng pagkakalayo ng Nakaheels at nag wowork pa ko, nagbubuhat ng mabibigat dahil wala silang makuhang Trabahador na lalake, kahit pinapatigil na ako mag work, Hindi ko naman makaya na panoodin lang na nagbubuhat yung Mama ko e senior na po siya, kaya tumutulong Lang ako at dagdag sahod na din pang bili ng gamit ni Baby :) .Madami din akong stress na naganap sa buhay ko , nag eexercise din ako but now , Andito siya Malusog at Gwapong Bata 👶 NOT TO OFFEND :) ; Diko po alam na Preggy ako that time ,kasi may mens pa din ako, wala akong morning sickness, pagduduwal hindi ako naglihi, at lalong flat tummy lang ako :)
2mos pa lang ako nag bubuntis napanaginipan ko si papa jesus may batang lalaki na kasama narinig ko sabi niya na zacarias. That time syempre wala pa gender si baby, sinearch ko agad yung name na zacarias and tinanong ko sa kapatid ko na nag seseminaryo kung sino si zacarias and after that sabi namin ng asawa ko isusunod namin sa name zacarias kapag talagang lalaki si baby. sa family kasi namin walang name na galing sa bible. 🥰 then nung nalaman naming boy pinangalanan namin siyang Zacarias Yael ☺️
Still thinking of his name pero nauna pa sya lumabas (ECS) premie baby. Miracle baby! At 2nd life ko na din I named him NERO (Niro) means "warrior" "strong". Dahil lumaban din talaga sya. ❤ At normal sya . Para syang full term baby . No need oxygen or incubator.. at wala ring paninilaw. 🙂 And one thing. Nag expect ang relatives ko dahil January ko sya naianak e dun ko daw kinuha name nya sa word na "Enero". Hahahaha 🤣
From a book that I loved way back in college. Sabi ko ipapangalan ko yun sa future baby ko. Then nung naghahanap na kami ni partner ng baby names nung nabuntis ako, sabi nya isearch namin ang ibang languages for the word "dream" and nakita ko ulit yung name sa book. Destined talaga na maging pangalan ng baby ko ay Aisling (pronounced as Ashling). Aisling is the Irish word for dream or vision, yung book is by Katie McAlister, Aisling Grey Guardian Novels. ☺️
Alkel Salvador❤️ Yung Alkel.. Name combination from us his mom and dad. Alona+Mikel= Alkel😊 Yung Salvador after my father's name kase he passed away buntis ako non at saken nalang sya walang apo kase matagal ako bago nag asawa Kaya ako ang matagal na kasama ni mama at papa ko out of their 6 children😁 sad tuloy di na nya na meet Yung anak ko tuwang tuwa pa naman sya at magkakaapo na sya saken😔❤️
Greyson Riley, super fan po lase ako ng Before you exit nung high school days tas ampopogi pa nila. Crush na crush ko din that time si Greyson Chance nung 'di pa s'ya gay 😂 Eh medyo hawig sila nung isang member ng BYE na si Riley Mcdonough Kaya pinagsama ko at ok naman pakinggan. Ampogi nga dawax ng name sabi ng friends ng bf ko xD!!!
Miracle Catriona Duchess. Simply because she's a Miracle dahil pinagdasal ko talaga sya ng buong simbang gabi ng 2017, tapos gusto ko may touch of royalty yung name nya kaya Duchess. Actually, dapat Miracle Duchess lang, kaso nung malapit na ako manganak, yun yung time na nanalo rin si Catriona at since fan si hubby ng Ms. Universe, dinagdagan namin ng Catriona. 😁
❤️ Maria Althea "Maria" means "sea of bitterness" or "sea of sorrow". "Althea" means healer and wholesome. And it is a variation of the Greek. ❤️ Aria Carlisle "Aria" comes from the namelist of August Babies. "Carlisle" means for protected tower from the walled city. And also a place name in Britain.
Nag pop out lang bigla sa isip ko nung mga 4months preggy palang ako. Wala pako idea kung ano gender pero pinandigan ko nang yon ang magiging name ng baby ko. Then nung nagpaultrasound ako, swak na swak yung name sa gender niya. Ayun, kahit anong isip at compose ko pa ng ibang names, di ako makabuo. Yun at yun lang talaga, meant to be sa kanya ❤️😊
Jacob Nikolai - Jacob from Twilight kasi super crush ko dati lol 😂 and Nikolai galing lang sa magazine Firion Alucard - both names galing sa video games, Final Fantasy tska Castlevania (recently ngkseries toh sa Netflix. Hubby and I were so hyped and an gwapo ni Alucard 😂)