64 Các câu trả lời

VIP Member

Tinanong ako ni Mama bakit daw hindi na ko nagpapabili ng napkin. Sabi ko buntis ako, 2mos na. Nagalit sya kasi graduating ako ng college tska ilang months palang kami ng boyfriend ko nun, pero si Papa chill lang. Hahahaha. Nung nagtagal natanggap naman ni Mama, sobrang excited sila. Hindi pa ko nanganganak palagi ng tinatanong ng kapatid ko kung nanganak na daw ba ko. Ngayon sobrang saya na ni Mama. Mas mahal na nya apo nya kesa sakin. Hahahahaha.

Mga 3weeks na nun si baby. Sa family ng boyfriend ko muna sya unang nagsabi. Tapos sa mama ko muna bago sa papa ko pero boyfriend ko nagsabi kasi takot na takot ako lalo na sa papa ko. Di naman sila nagalit. Pero syempre nagulat sila lalo na si papa. At ngayon excited na silang lahat sa unang apo nila. 😍 24weeks nako ngayon. At hanga ako sa boyfriend ko kahit na mahina loob ko sya ang naglakas loob pumunta at nagsabi sa family ko. 💕

sis ganyan din ako 6 months na tiyan ko nung umamin ako kay mama kasi natatakot ako sa reaksyon niya kasi asa ibang bansa siya eh sa sobrang inis na sakin ng pinsan ko ayun siya na nagsabi kay mama hanggang sa umamin nako tas shempre nagalit sakin pero kinabukasan natanggap din tas diko nga akalain na siya pa bibili ng mga gamit ng apo niya tas siya din halos may sagot ng vitamins,laboratory,check up ko chaka panganganak ko

VIP Member

ganyan din ako sis... 5months na bago ko nasabi sa parents ko.naglakas loob lng ako na sabihing buntis ako. syempre at first magagalit talaga Kasi syempre d Naman Tam a gnaea ntin.pero importante were willing to correct our mistakes. and after ko na nsabi Yun d dn nagtagal nagpakasal na kame Ng hubby ko and naging maayos Naman Ang pagsasama Ng family namin.. tsaka paglabas Ng baby believe me aayos tlga Ang lahat momsh😍

Sana nga sis... Malay ntin ngayon lng ayaw nla pero d dn magtatagal mtatanggap din nla.just pray sis.

Inexplain kong mabuti ung mga nangyari bakit ako nabuntis and what so ever. Syempre with the help of my boyfriend. Di niya ko pinapabayaan kahit anong mangyari sya lahat humarap sa problem. Kung ako saiyo, sabihin mo na kaagad. Mahirap kapag pinatagal mo pa kawawa din si baby mo niyan. Parents are parents. Kahit masakit, sila ang tunay na tatanggap at magmamahal saiyo. Sainyo ni baby mo.

VIP Member

Nung nalaman namin ng boyfriend ko nung nagpacheck up kami sinabi agad namin, 6weeks and 2 days na kong buntis that time, nung una nagulat si papa pero okay naman na sa kanya, pero si mama inabot ng 2 mos bago ulit ako pinansin, 18 yrs old palang ako and yung mama ko ofw. 6months nako ngayon. tanggap na nila both sides mas excited pa sila kesa sakin😅

5wks aq ng malaman q na preggy aq una q pinaalam is ung ate q kc mas close kmi tas natatakot dn aq ipaalam sa parents namin kc wla pa aq work..then after a wk sinabi nya na sa parents namin .hindi nman cla nagalit sakin. feeling q nga mas masaya pa ung tatay q kc mabait nman ung ama ng magiging anak q at mas close kc silang dalawa ng tatay q

5 months na ung tiyan ko nung nalaman ko na buntis ako kasi lumalaki tiyan ko. Pinag PT ako ni mama tapos nung positive akala ko magagalit sya pero naitindihan naman nya kasi nasa tamang edad na. Mas excited pa sya sa akin nung nagpa ultrasound ako. Hahaha. Lagi ko daw ingatan apo nya kasi malayo ako sa kanya dahil sa work ko. #BabyGirl

VIP Member

Nung nalaman ko na i was pregnant, sinabi ko agad, kahit sobrang galit sila okay lang atleast sakin nanggaling, i think there's nothing wrong in being honest para mas lumuwag pakiramdam nyo, magalit man sila atleast wala kang tinatago and eventually matatanggap din nila yan..sabi nga mas mahal ng lola/lolo ang apo kesa sa anak 😂

yung sister ko nalaman agad ng mother namin kahit d pannya sinasabi kasi nanay ko ang may control at record ng mga napkin namin. hindi naman po nagwala nanay ko, nasaktan lang, umiyak lang po sya pero po sya po nag alaga sa ate apo nya. yung tatay ko naman po ang nag ayos ng kasal, at nagaayos na ngayon ng annulment nya

Anu po ung autistic mamc !??

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan