PASAGOT PO

Sa mga nanay diyaan na nagkaroon ng babaeng anak, ano ang mga symptoms na nararamdaman niyo, sa babae niyong anak or anong mga klaseng paglilihi? Kasi parang dipa sigurado ang ob, ko kung babae. Kasi sabi is parang babae "PARANG"

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Mii,iba-iba naman po ang paglilihi sa bawat Nanay na nagbuntis.. Kapag sinabi Po Yan ni OB,meaning Hindi Po clear Kasi malikot si baby mo,o Hindi niya pinapakita Ang private part niya.. Kasi Ako nasabi din Yan ni OB Sakin,na "babae ata" pero syempre gusto namin talaga babae,pero mas naconfirm siya Nung nag Anatomy Scan na ni baby na babae talaga.. Sakin Po Ay sobra Ako magsuka Nung buntis hanggang second trimester at kahit Anong kainin ayaw ko at sinusuka ko, mapili talaga si baby sa pagkain,like may times na iyong chicken na paborito Ng tatay niya ang kinain ko sa buong week Kasi iyon lang nakakain ko.. ilang months ka na po?Kasi nasabi ni OB na "parang" palang,pero mas macoconfirm Yan sa sunod mo na ultrasound..

Đọc thêm

Hala, nakaka-excite yung "parang babae" na sabi ng OB mo, baka mag-confirm na sa next ultrasound! Sabi ng mga kakilala ko na nagka-baby girl, common daw ang matinding morning sickness at sobrang mood swings kumpara sa kanilang mga previous na buntis, parang ikaw na ang hormonal na teenager, hindi yung baby. May nagsabi rin sa mum group namin na kapag babae, mas round at mataas ang tiyan, at may matinding cravings sa matamis na pagkain. Pero honestly, maraming "signs" na ito ay hindi 100% tama, ang pinaka-reliable talaga ay yung 20-week ultrasound mo, kaya sabay tayong mag-antay ng maayos na result!

Đọc thêm