7 Các câu trả lời
ako nahalata na lamg ng tatay ko then 1 day kinausap nya boyfriend ko ko tinanong nga kung buntis daw ako kaya umamin na kami nitong feb. lang kami umamin january ko lang kasi nalaman na buntis pala ako by the way im 32 weeks preggy na now.😊😊😊 magandang umamin kana mamshiee sa una lang naman sila madidisappoint makatagal isusupport ka na din nila like me 😉 hindi naman kasi tayo matitiis ng magulang natin aii😊
Same tayo sis. Until now di pa ako umamin. 6months pregnant na ako and graduating this coming october. Di pa nila halata tiyan ko kasi chubby din ako. Tas wala din sila lage sa bahay dahil work. Tas nasa kwarto lng din ako lage. Di ko pa alam pano sabihin lalo nat di ako pinanindigan ng lalaki. Nahihiya ako sa parents ko kasi konsehal yung papa ko tas eto ako disgrasyada. Ano nlng sasabihin ng mga tao. 😔
Umamin ako sa nanay ko through text at nung nagkita kami imuwi ako sa bahay (my boyfriend and I live together) never silang nagmura, nagalit. 6 months pregnant ako nang umamim ako ngayon mag seseven months preggy na ko. Pero matagal nang alam ni nanay pero sahi niya pinaniniwala niya oang yung sarili niya na hindi ako buntis.
Umamin po ako kinabukasan nung nalaman kong positive yung dalawang pt na ginamit ko. Syempre sumama loob nung una pero tinaggap na din mga ilang oras lang po. Hahaha. Medyo okay naman po kasi nakagraduate ako nung June 26 on time. This time mas sinisikapan ko kasi di na lang ako ang bubuhayin ko may isa pa.
Hahahaha kailangan ko po kaso talaga maging matapang kasi wala po ako ibang magiging kakampi kundi magulang ko po and besides hiwalay na kami nung tatay. Ngayon po nagrereview ako for Board Exam
Malalaman at malalaman din nila mamsh kaya mas maganda na umamin kana. Ung galit nila normal lang yun pero di ka rin nila matitiis lalo na preggy ka suporta nila ang pnka kailangan mo ngayon. Pray ka before mo aminin. Magiging okay din ang lahat❤
sabi nga po nila hindi pa tayo nag sasalita alam na po nila. nag iintay lang sila na sayo po mismo mang gagaling. mag sabi kana po 💓🙂🙂 magulang namn ntn sila kaya tatanggapin naman nila tayo kahit anong mangyri. Godbless and Gooodluck
Hinayaan ko lang na mahalata nila.
Anonymous