7 Các câu trả lời

Me at my very young age, 18 years old na po ako ngayon, and I'm almost 6months pregnant..And single mom... Simula po nung nalaman ko na buntis ako nung almost 3months na tiyan ko , never sumagi sa isip ko yung word na abortion, even andami kung iniisip nun and sobrang depress ako kasi lockdown time nun and kakabreak lang namin ng ex ko na daddy ng magiging baby ko... Di po ako makatulog nun and sobrang payat ko na po, kaya nagtataka Yung tita ko bat daw ang hina at tamlay ko parang walang gana palagi, pero Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila since nahihiya din ako Kasi tita ko nagpapaaral sakin and si mama ko nasa probinsya.... Walang Wala po akong masandalan nun , sobrang hirap po talaga depression, anxiety, at sumabay pa paglilihi ko ,halos lahat ng kinakakain ko even tubig is sinusuka ko talaga... Hanggang to the point na almost 5months na tummy ko and napapansin na ng tita ko kasi medyo nalaki na tummy ko then tinanong Niya ako na bat daw di nababawasan napkins ko every month Kasi siya naggogrocery and bumibili siya ng pack of nappys para samin dalawa pero nagtaka siya at napansin Niya na si na nababawasan yung binibili Niya, and tahimik lang ako hanggang sa biglang tumulo luha ko , then Sabi ko sakanya na 5months nako delay tapos nun nagpanic na siya na kesyo ano sasabihin Niya sa nanay ko pag nalaman ng iba kong tita , and alam na din niya na matagal na kaming Wala ng bf ko... Then kinausap niya yung anak Niya na medtech, and kumontak sila ng private gynecologist na kung pede pa ba daw gawan ng paraan para maalis yung baby, pero Di nila sinabi sakin na ganon plano nila , ipina schedule na nga ako for catheter procedure, nalaman ko lang po yun nung nanghiram ako ng phone ng tita ko and accidentally nag pop yung message ng pinsan ko na anak nya na yun nga schedule na and sa bahay gagawin yung procedure since lockdown walang bukas ngla clinic nun... And napahagulgol ako nun and pumasok ako sa cr , kunwari naliligo ako para di marinig sa labas yung iyak ko, sa bawat patak ng luha ko sumasabay sa agos ng tubig na binubuhos ko..... Wala po kasi talaga sa isip ko and never ko po naisip na ipalaglag yung baby even sobrang dami ng reason na sinabi ng tita ko kung bakit kelangan daw gawin yun, pero di talaga ako pumayag , taas boses ko na sinabi sa kanila, and lakas loob na kahit mahirap kakayanin ko, Kasi yun yung nasa puso ko na Hindi ko kayang pumatay nang sanggol na walang kamuwang muwang , ayoko pagkaitan siya na maselayan Ang kapaligiran at mayakap Yung nanay niya once isinilang na siya dito sa mundo.... Ngayon 6months na po si baby ko...and it's a baby boy😇❤️.... Never ko inisip na bunga siya ng pagkakamali, and siya yung dahilan kung bat kumakapit pa rin ako , kahit sobrang hirap at sakit Ng napagdaanan ko.... Dibale nang tawagin akong malande Kasi maagang nabuntis at di pinanagutan, kesa pumatay ako at pagkaitan mabuhay ang isang bata na nasa sinapupunan ko para lang matawag akong dalaga🙂...

true momsh. kaya wag papasok sa isang relasyon or gumawa ng vagay na hindi magugustuhan ang resulta.

I agree mommy! Blessing ang mga cute na babies na yan,l 😊

Pam Pam lng Yung iba. Report mo lng

VIP Member

Agree mommy.tsk tsk tsk

daming gustong mgkaanak at mg adopt tpos sila daling sabihin at bigkasin ang salitang abortion. .takot sila na baka hindi nila kaya . .mga kabataan talaga ngayon😭😭

VIP Member

true po mommy

true

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan