Living with In Laws
Sa mga Momshies,hindi ba kayo naiilang sis na kasama nyo sa iisang bubong ang mga biyenan nyo? i just want to get your opinions.Thank you
sa umpisa,, maiilang talaga, katagalan nawala na 6yrs ko na kasama sa iisang bubong mother and father in laws ko.. ok naman at ms naging close talaga kami,, marami ngsasabi parang kami pa mg ina kesa sa asawa ko,, happy at swerte aako sa byenan,, super bait, caring and understanding samin mgasawa..
Para saken okay naman, peru mas gusto ko parin na may sarili kaming bahay Kasi hinde mo alam ang mga iniisip nila, Mas maganda pag nasa sariling bahay niyo talaga kayo i mean yung kasama mo lang yung asawat anak mo lang kasi kahit anung gawin mo sa bahay niyo walang mangingialam sa inyo
Okay lang tumira kasama inlaws especially if in good terms kayo pero privacy wise. wala.. kaya it would be better na may sariling bahay talaga para ikaw ang reyna. haha 😂 kasi pag nakikitira ka kahit anong galing mong makisama may masasabi at masasabi pa rin mga nakapaligid sayo.
Pag nag pamilya ka dapat bubukod na. Although may instances talaga na kailangan muna makisama sa inlaws, pero sikapin nyo pa rin bumukod agad agad. Nang sa ganon, matutunan nyo kung pano mabuhay bilang buong pamilya na kayo lang ang nagtataguyod mag asawa.
for me, ayoko... sigaw kasi sila ng sigawan sa bahay nila... maski magkakatapat nman sila.. kala mo napaka layo kung maka sigaw lagi ehh... masakit sa tenga,, kaya bumukod kmi kasi gusto ko ng katahimikan at para di iyak si baby ng iyak dhil sa sigawan...
Siguro mas kumportable pa din kung sa parents mo mismo na lang makikitira kung hindi makabukod, iba pa din kasi. Mahirap mamiyanan, kahit gano sila mabait me masasabi at masasabi sayo, unlike parents mo kahit anong mangyari iintindihin ka nyan.
naiilang ako kasi medyo strict samin kaysa sa byenan ko. Strict man ang parents ko pero in a good way. unlike sa kanila na mura doon mura dito. ayaw kong lumaki ang anak ko na parating makakarinig ng mura. sariling anak pa nya ang kanyang minumura.
No po. as in ok kami ng mga inlaws ko. mas ako pa nga kinakampihan pag nag aaway kmi ni hubby e. may time na minsan nangingialam sa mg desisyon specially sa baby pero ako pa din nasusunod. Depende po yun kung pano ka makikisama.
In my case hnd po. May house na ung partner ko bago naging kami. Pero nag vivisit pa din kami sa family nya like pag pasko and new year. Pero feelings ko ang hirap pag kasama ang biyenan parang hnd ka comfortable gumalaw hehehe.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-102181)