126 Các câu trả lời
Nung bago palang kmi nang asawa ko nsa 2-3 years ata na mgkakasama kami sa iisang bubong + hipag ko at bf nia. Sobrang hirap dpa naman ganun kalaki yung bahay as in never ending pasensya at pag titiis talaga, tapos makalat at madumihin pa sila sa bahay nasanay kase na may katulong, lalo sa hugasan ng plato ang tatamad, asawa ko taga luto ako sa hugas ng plato, nagtiis naman ako hanggang nagsawa ako umuwi ako samen, pano kulang nalang gawin pko katulong. Pg meron nko di gusto non nagkukulong nalang ako sa kwarto, siempre pkikisama kaya tumagal na ganun yung setup pero magsasawa at mapapagod ka rin pla. Tapos ayun one day ngdecide sila na sila nalang ang umalis sa bahay at magpatayo ng sakanila hindi ko alam kung what makes them decide siempre kagusto ko nalang pkialamera pa naman yung byanan kong babae, yung tipong parang alam ang lahat at pangungunahan kapa sa lahat ng desisyon mo sa buhay, buti nalang medyo malayo pa yung skanila, kaya tiis ka lang malay mo di namab magtatagal yan, you should talk to your husband kung anong plano nia kasi di naman pwede habambuhay umintindi ka nalang, na magtiis at lagi mag bibigay.
Depende po yan sa relationship mo with your in-laws. Nung nagle live-in pa kami ni hubby, nakitira kami sa mother nya(hiwalay ang parents nya). There was this time na pinagsabihan nya ako, na di daw dapat magmaldita sa anak nya. Bakit daw napaka domineering ko. And because I was less mature, I overreacted. Akala ko kontrabida sya, akala ko pinanghihimasokan na nya ang private life namin. (Ang kitid ko noh?) Nung nabuntis na ako, we decided to live separately. Kasi I was thingking baka manghihimasok na naman ang kontabidang to sa buhay namin. Yet later did I realize na mas maganda pa pala ang buhay na kasama sya. Kasi may mas mag aalaga sa amin at sa mga anak ko. Yes, kaya kong alagaan ang pamilya ko pero mas masarap pa rin na may nanay tayong kasama sa bahay. Yung kampante ako na kung may nagkakasakit sa pamilya ko, & napa praning, hindi ako nag-iisa. Ngayon ko naintindihan na hindi pala sya kontabida sa buhay ko. Isa lng pala siyang nanay na naghahangad ng mabuti para sa kanyang anak. At naniniwala ako na anak rin turing nya sa’kin.
Kahit gano kabait byenan ko. Mas gusto ko pa din bumukod. Ang hirap kumilos talaga pag may kasama kang byenan sa bahay. Limitado kilos mo kasi ayaw mo may masabi sayo. 6 months na ko nakatira sa in laws ko pero naiilang pa din ako. Tapos di ko masyado maenjoy maternity leave ko kasi pati pag aalaga ko kay baby. Nakabantay byenan ko. Tas pag gusto ko magpahinga. Ung sasabayan ko si baby sa tulog. Naiilang pa ako. Kasi baka sabihin tatamad tamad. Eh puyat ako lagi kasi sa gabi at madaling araw ako nag aalaga kay baby ksi may pasok si husband. Kahit napakabait nila. Alam ko beyond my back. May nasasabi pdn sila sakin. Tapos naiirita ako pag pinapakelaman ako sa baby ko. Na parang masasabi mo na lang. Ako nanay nyan eh. Anak ko yan. Bakit parang mas nanay ka na. Ganern haha
For me lang sis ok lang naman naka depende kasi yun sa relationship nyo nang biyenan mo... so far sakin ok naman lahat.. may ka agapay kami sa lahat ng bagay.. and napaka kind ng biyenan ko.. every time may lakad siya pag uwi niya lagi niya kong dinadalhan ng pagkain na gusto ko kasi im 8 months pregnant manganganak nako next month ... naka tira lang din kami sa iisang bahay kaming tatlo lang... biyenan ko, husband ko at ako... kami lang at mag aapat na kami 😊 sarap lang sa feeling na di nanghihimasok yung biyenan mo sa buhay niyo mag asawa... yung hanggang pag advice lang siya at pag guide samin.. ako lang naman yung naiilang kasi mahiyain kasi ako... pero para sakin swerte nako kasi hindi lahat nakaka timing ng mabait na asawa at mabait na biyenan
Yes sis. I also have that kind of inlaws silang lahat ganon din mga kapatid ni hubby, pagdating din sa min magasawa di sila naghihimasok kug paano at ano ang pagpapalaki namin sa mga bata hindi din kasi kami naririnig mag away so far mabait sila both and sobrang caring sila kaya wala na tyong mahihiling pa😊
In my situation now, nkabukod kmi nun ng asawa ko kasi same nman kmi ngwowork but nung nabuntis ako nung July sobrang selan talaga so ang nangyare ng quit muna ako sa work ko at pinauwi dito sa byenan ko kasi di ako maalagaan ng asawa ko kc ng wowork din sya. 2 months na akong nkaipon sa byenan ko weekly lang umuuwi asawa ko. Ok nman ugali ng mga byenan,hipag at bayaw ko kaso di maiiwasan ang mailang though nkaalalay lang sila sakin. Ako pdin kasi ng dedesisyon. Supportive nman sila lalo na yung babaeng byenan ko.
Mas magndng naka bukod para habanh maaga alam nio ng mag asawa mag handle ng isng pamilya, at isa pa pag naka tira ka sa byenan prang dika maka kilos ng gusto mo kahit pa napaka bait nila sayo my masasabi at masasabi parin.. Pero after ko manganak at naka recover na ako bukod na kme ni hubby. Mas magnda pading may sriling bahay kaci ikaw ang reyna at lahat ng gusto mong gawin, bilhin, kainin walang mangenge alam sayo. Ganernnn! 😂
nakakailang sis..kaht na nga mabait ..kse hindi ko magawa ung mga gsto kong gawen sa baby ko ung pag aalaga na gsto ko hindi ko magawa kse may mga comment lgi si MIL.. mahirap kse magka kontra kami sa way ng pag aalaga kay baby.. tas palagi xa nagsasabi ng dapat at di dapat kong gawen mnsan nga d ko na sinusunod e kse alam kong ndi pde at ayaw ko.. bakasyon lang kmi dto 1 month at wala pa one month gsto ko na umuwe ..
Napaka hirap. Sobra. Hirap kumilos, yung feeling na lahat ng gawin mo para sakanya is mali. At sya ang laging tama. Sarili nyong bahay ng asawa mo. Pero ikaw ang nagmumukang nakikitira. Hirap kumilos at mag salita kasi lahat pinupuna. Lahat pinapakelaman lalo sa mga desisyon mo para sa anak mo papakelaman nya den. Pero pakikisamahan mo padin. Wala ganun talaga eh.
Depende sayo momsh.. pero ako as much as possible ayoko na naka depende kami sa mga magulang namin. Gusto ko bukod. Pra matuto ding maging independent parent. Isa pa ayoko makisama sa iba kundi sa asawa or partner ko lang basta pagdating sa bahay. Ok nako sa tamang bisi bisita lang pag may event sa bahay nyo. Something like thatm pero yung dun na titira medjo ekisxz yun hehe
Okay naman kami ng byenan ko, mabait sila, pero iba pa din pag may sariling bahay.. kasal na din kami.. gusto ko sana magamit yung mga regalo pero ayaw nila gamitin, kaya naisip ko na ipag benta nalang yung iba para dagdag sa budget sa panganganak pero ayaw din. mahirap po pala maki pisan, kahit sobrang okay kayo..
Anonymous