16 Các câu trả lời
Ako No to bigkis. Mas mahihirapan makahinga si baby at mas matagal matutuyo ang pusod. Maiinitan pa siya sa area na yun. Hindi din naman siya advised ng professional doctor kaya dun ako susunod sa may scientific basis. Pero depende pa din yan sayo since ikaw ang Nanay ikaw mag decide for your baby. Yung anak ko 3 years old na. Okay naman kahit hindi binigkisan.
Hnd na kasi ina allow mag bigkis ngayon, mnsan kasi di natin na malalayan na masikip at nahihirapan sila humnga, pangalawa mas matagal matuyo ang sugat. Yung pagluwa ng pusod diende yan sa paggupit ng nagpaanak sayo.
Hi im mother of 8 month baby girl nevwr ko binigkis si baby kasi un advice ng pedia nya at nagbasa basa din ako regarding sa bigkis.. Hindi naman luwa ang pusod ni baby baon nga puede magsuka🤗🤗
Ako po bawal bigkisan kapag dadalahin ko sila ng pedia. After nun ibabalik ko ulit. Para saken okay ang may bigkis. Kasi hindi sirain ang tyan ng mga anak ko ever since kahit anong kainin nila.
Same case..pag ako nagpapaligo kay lo ko di ko nilalagyan pero pag ate ko nilalagyan nya bigkis.. mdalas kc bumababa ang bigkis to da point na naiihian at nagkakaron ng tae ang bigkis
Malamang sa pedia ka makinig. Pag sinunod mo mother in law mo at nainfect yan, di naman yan magagamot ng mother in law mo. Lagi lang makinig sa pedia kahit ano sabihin ng iba.
Hndi na po advisable ang bigkis mommy. May mga cases na lagi nagsusuka ang baby yun pala dahil sa bigkis. Baka hndi rn mkahinga ng maayos.bawal na talaga ngayon yan
ako po never ko binigkisan pusod ng baby ko since un ung advice sken ng doctor pagkapanganak ko.. maganda naman pusod ni baby at di naman siya nakaluwa..
hindi na po advisable ang bigkis. mas better daw na wala kasi mas madali mag dry at matanggal at of course mas makakaiwas sa infection.
Baby ko sis di ko binigkisan kasi pinagbawalan kami ng pedia nya kasi mas prone sa infection. So far, okay na pusod nya. Di nakaluwa.
Anonymous