Sa mga dating single moms po dito na nagkaroon na ng bagong partner, paano tinanggap at nakisama ang bago nyong partner sa mga anak ninyo? I'm having issues sa panganay at current partner ko ngayon. Laging sinusungitan ng partner ko ng panganay ko which is anak ko sa una. 13 yrs. old na ang panganay ko. Lalaki po siya. Nakikita ko ang effort ng anak ko na sumunod at makisama sa gusto ng partner ko which is maging productive dito sa bahay pero parang kulang pa din para sa partner ko. Minsan, gusto maglaro ng anak ko kasama mga kaibigan niya, madalas ayaw niyang payagan. Parang ako bilang nanay, ako ang nasasakal sa ginagawa niya sa anak ko. Naaawa ako sa panganay ko dahil parang lagi nalang mali sa paningin nya. Kung alam ko lang na magiging ganun, hindi ko na sana pa sinimulan kung ano ang meron kami ngayon dahil nadudurog ang puso ko sa panganay kong anak. No to bash po sana. Need ko lang po ng kind advice. Salamat.