107 Các câu trả lời
Childhood crush kasi ako ng asawa ko. Magclassmates kami nung kinder, pero lumipat ako ng skwelahan pag gradeschool, while siya eh nanatili dun sa dati naming school hanggang mag highschool. Medyo matagal siyang nakamove-on saken (charis). Basta ako lagi niyang bukambibig hanggang natapos sila ng gradeschool (sabi din ng mga classmates namin dati). Lagi din daw siyang dumadaan sa bahay namin, sinisilip kung nandyan ako sa labas. Lagi din si mama sa bahay nila dati pero di talaga kami magkaibigan simula kinder kaya wala kaming naging communication talaga tapos di pa ako palalabas kaya di talaga kami magkita kahit nasa iisang subdivision at phase lang kami. Di ko nga alam na laging bumibisita sa kanila si mama dati eh. Nagkita lang ulit kami ng personal nung nagrereview ako for boards. Sinundo kasi nila magbarkada yung kapatid ko kaya napunta sila sa bahay. May jowa pa siya nung time na yan. Nung after a year ng nagbreak sila, bigla niya lang daw naisipan na hanapin ako sa fb kaso ibang pangalan gamit ko kaya pahirapan yung paghanap. Yun bang may factor yung pagkagusto niya sakin dati para magkainteres ulit siya sakin nung mga panahon na yun. Nagtatrabaho na ako nung nagsimula siyang mangumusta tapos the rest is history. Di niya daw ugaling mag intay talaga. Usually kasi, fling2 lang yung sa kanya after ng breakup nila nung last niyang karelasyon. Kapag nakikitaan niya na ng pangit na ugali, bitaw agad. Pinag-isipan niya pa nga yung panliligaw sakin eh hahahaha may hinahanap nga talaga ata. Pero di ko na matandaan kung ano talaga yung nagustuhan niya saken. Basta ako nainlove ako sa kanya nung nakita ko pano niya alagaan at suportahan yung bunso kong kapatid. Yung pangalawang kapatid ko kasi talaga yung barkada niya kaya mas natouch ako nung nakuha niya din tiwala ng bunso namin. Pati ni mama. Sobrang caring at maalaga pa kahit may katigasan ang ulo. Masasabi ko lang, sobrang swerte na namin sa isa't isa. Siyempre, mas swerte siya sakin kasi first and last ko siya. Di ko naman hiningi nun kay Lord na magka bf kasi kuntento na akong single. Buti na lang hinanap talaga ako ng asawa ko. Sobrang saya ko kasi alam kong magiging mabuting ama siya ng paparating naming baby. ☺️
since 2013 mgkakilala n kmi pero tropa lng kz tropa sya ng kybgan ko sa work has in wla lang d nmin gusto isat isa ska pogi pa sya noon at mdaming umaaligid na babae 🤣 pero has in wla tlg kong gusto kz taken dn nmn ako nun tpos after a year wla ng blita nsa dubai nko 2021 ngkachikahan kmi ng mutual friend nmin gang sa ntnong ko sya dun n kmusta na cla gnun ano na blita aun sbi ng friend ko kmustahin mo friend ko un sa fb then inistalk ko aun taba na nya dna sya ung dting mlakas dting pero kinamusta ko pdn kz nga un lang nmn pakay ko tlga kmustahin sya ska d ako mhilig sa mataba tlga has in 🤣 tpos aun una parang tamang batian lng sa messenger ng ocation gang sa saktong d ako bc at sya din gnun aun gang sa puro n kmi ptawa sa mga chat gang cguro aun ang ganda ko lang tlga charing ahhahahah ndala sya sa mga pambbsag ko at aun gnun dn ako sknya gang sa pg uwi ko first time nmin mgkta ng kami puro ilang pdn hahahaha pero after a month tadaaaa aun my baby ndn kmi 🤣🤣 ang haba ng pnahon kmi dn pala ang mgkktuluyan sbi nya bkt dpa noon sabi ko eto kz ung tamang pnhon para stin hehehe so aun mamsh gnwa ko tong pocketbook 🤣
Masarap daw akong kausap? Sabi nia 🤔😂 We were both ofw during that time. Middle east sia while ako sa Europe. 1hr lng ung interval ng oras nmin. sumali ako sa group chat sa isang app, then friend ko dun ung kawork nia. palagi kmi mgka group call nung friend nia, lagi sia sumisingit sa usapan. (d sia ksli sa grupo nmin, nkikisaw2 lng kumbaga) 😂 so aun d nagtagal, gumawa sia fake acct, anime character ung gnmit niang pic. inadd nia ako pero d sia ngpakilala. sa friend invite nia merong note "di ba kapampangan ka din?" inaccept ko nmn, nacurious ang lola nio 😂. hanggang arw arw na kmi mgkausap. mula pag gising hanggang pgtulog. 😂 voice call lng kmi nun ayw nia mgpkita sguro dalawang bwan dn sia ngtago. ngulat nlng ako na sia pla ung lging nkikisawsaw sa gvc nmin nung first time nia ng aya mg video call. 😂
sabi ng asawa ko,noong time na umiyak ako sa kanya.katapos ko lang kasi mabroken hearted non noong first time namin mameet ang isat isa.umiyak ako at kwnento ko yong lovestory ko sakanya.sabi nya daw sa sarili nya,"mula ngayon aalagaan ko,mamahalin at papasayahin ko tong babae na to.gusto ko ako magaalaga sakanya." which is very consistent naman talaga asawa ko sa pagpapatunay ng pagmamahal nya.from day 1 na nagkakakilala kami til now na magtatatlo na anak namin. super baby nya nga daw ako.lagi syang nakasupport sa pregnancy journey ko.yong pinaparamdam nya na kakampi nya ako sa lahat ng laban ng buhay ko at gusto nya masaya ako☺️☺️☺️ni minsan hindi ako binibigyan ng sama ng loob ng hubby ko.
ang sweet naman ni hubby mo sis...
actually Po yes nung mag bf/gf palang Hanggang sa mag asawa na kami nagkatanungan kami about sa tanong na Yan Ang Sabi naman niya saakin dahil nahanap niya na daw Ang perfect match niya hehe dahil daw maalagain masipag mabait at mapagbigay Lalo na ngayong may sarili na KAMING pamilya at ganon din Naman siya saamin double kayod pa nga siya eh pero mostly naman sa mag partner Kaya sila nagkatuluyan kasi sa ganyang ugali ☺️ pero pinag pray ko talaga Kay Lord na sana bigyan niya ako ng partner na mabait maalagain masipag etc. At binigay Naman niya kaya sobrang Blessed and Thankful ako Kay God dahil binigyan niya ako ng partner na ganon at now my little chikiting na den😇😇
kasi daw simple lang ako. may bahay sila sa bundok, di naman kubo konkreto parin naman may tubig at kuryente naman, ako lang daw ang nagsabi na gusto ko tumira sa bundok kasi parehas kami ng nakikita. masaya ang buhay sa bundok simple lang malayo sa ingay ng siyudad. sariwa ang hangin. yung tipong kahit gulay lang ang ulamin, magtanim kami ng mga gulay dun sa likod, mag alaga ng mga hayop. ang saya ng picture. ganun lang ang buhay na gusto ko kasama ang pamilya ko. simple tahimik masaya. kase mga ex daw nya ayaw sa bundok. wala daw parking ang sasakyan, gusto kumain lagi sa resto. mahirap daw ang daan, malayo at boring. haha
true ako din yn ang gusto ko
gusto ko kse ung ka opposite ko 🤣 madaldal ako tas sya tahimik lang plus points na pogi at andme nagkakagusto sa knya nung college 🤣 so ako di naman ganon kaganda (mejo mdme din ngkaka gusto sken kase mataas ang sense of humor ko 🤣) kinareer ko na nung grumaduate kame hanggang mgka work kme. Ngayon hindi pla sya ganon ka serious type at tahimik minsan madaldal pa sa akin na adopt na nya ugali ko 😁tyka sya tlga ang dream guy ko simula ma meet ko sya nung college ang motto ko non since NBSB ako "mapapngasawa ko to! " Aun, 🥳 3 yrs na kameng ksal upcoming first baby this december 🥳 sa mga babae na may dream guy wag kayo mwalan ng pag asa 🤣
Ilang beses ko yan tinanong sa kanya. Ang lagi nya lang sagot sakin, "kase kakaiba ka sa mga babaeng nakilala ko". Nagtataka din talaga ako bakit nya ako niligawan nung college eh sobrang masungit ako tapos sya ung nice guy ang peg na madami ang nagccrush kase nga super gentle and mabait. Niligawan nya ako from 2nd year hanggang sa magboard exam and then ayun pagkahire samin sa first job namin, sinagot ko na sya. We're together for 6 years and now 4mos married and now preggy na me ng 12weeks. Wala na ako hihilingin pa. Sobrang maalaga sya and understanding. I can say hindi ako nagkamali. 🥺
masaya daw ako.ksama .at nawala ang hiya nya pag Ako nakakasama nya tsaka Magaling daw ako sa pera...pero higit daw sa lahat mahal daw nya ako dahil mahal nya ako Kaya nya ako pinakasalan agad hahaha kilig na kilig ang lola mo... Ngayon 7yrs. na kami with 2 daughter and another 1 is coming masarap tlga sa pakiramdam pag mahal ka at mahal na mahal mo kaya lagi kmi nagpapasalamat ky lord kc Hinilimg namin ang isat isa kaya eto kmi Ngayon...kahit my mga problema at pag subok sabay namin hinaharap kapit Lang ky lord at lakihan ang tiwala sakanya.😇😇🌹🥰
naremember ko kumakanta ako nun at nahiwagahan siya kung kaninong boses yun, hanggang sa naging interesado siyang makilala ako at kinuha ang aking numero ko at duon na nagsimula ang lahat. nagustuhan niya ako sa taglay kong katangian at dun naman nakilala ng buo ang isa't isa nung kami ay naglive-in na at humantong sa kasalan❤️ talaga naman, ang buhay pag nasaktan ka ng sobra2 sa huli mong karelasyon, ang ganti naman ay ang panghabangbuhay na kagalakan dahil binigay sayo ang mas nararapat at magmamahal sayo ng totoo- asawa ko na, bestfriend ko pa💟
Crystle Anne Jalandoni