stick to products na walang masyadong fragrance at harsh chemicals. kahit ano pong gamitin natin na anti acne during pregnancy, hindi sya mawawala at lalo lang lalala (base on my experience). so better na hayaan mo lang ang breakout dahil mawawala din naman sya after mo manganak. basta manatili ka lang malinis sa katawan. normal sa nagbubuntis ang acne breakouts at pangingitim.
just to share my experience, nagkaron ako ng acne breakout sa likod at noo nung nasa huling part ng 2nd trimester hanggang 3rd trimester ko. pero nung nanganak ako, unti unti syang nawawala. 2 months na ang baby ko and i am currently working on fading my bacne scars and dark spots.