12 Các câu trả lời

Hello, HIV, by nature, is asymptomatic. Sa madaling salita, hindi mo agad mararamdaman ang sintomas nito. Pero kung ang pinangagalingan po nating argument ay 5 years. Sabihin na lamang po natin na sa five years meron kang risk o tsansa mahawaan ng iba't ibang klaseng impeksiyon na maaring magpabagsak ng immune system mo. Maaring gumaling ka sa infection na iyon at magkaron ng iba pang klaseng sakit dahil ang tinitira ng HIV ang ating immune system, papahinain nito ang immune system mo. Sa ngayon kung ikaw ay nagwoworry, maari kang magpa-test at makukuha mo ang resulta sa loob lamang ng dalawang oras. Madalas, ia-advise nila sayo kung ikaw ay sexually active ay magkaroon ng 3 - 6 months na window period. Meaning, kung ang last na sexual contact mo ay January, meron window period ang virus para magmutate sa loob ng 3 hanggang 6 buwan at madedetect na ito through rapid blood test. Meron ding nabibili na HIV testing kit. Mainam na magpunta ka sa mga testing centers such as RITM, Love Yourself, at San Lazaro para mabigyan ka ng counselling.

Same tayo ng worries sis, before may ex ako na ang dami niyang naka sex even teachers my gosh 😑😑 i lived 4yrs of total fear na baka may hiv siya and mahawa rin ako. Sa loob ng 4 yrs na yun, kahit meron akong bf walang nangyare samin dahil natatakot ako na baka may hiv ako and mahawa ko bf ko. Then nag decide ako na magpa comprehensive std test nung nakilala ko hubby ko now, para lahat ng std matest including hiv sa Hi Precision Diagnostics around 9k siya. Pero pag hiv test lang mura lang mga 400 plus. Just to make sure na I'm clean kasi mahal ko hubby ko ayoko mahawa siya sakin. Better to get tested no one will judge you naman. And may consultation siya. Pero ang stupid ng one nurse dun, one time kukunin ko yung results, sinigaw ba naman niya kukunin ni maam yung HIV Test niya 😑 tapos sinaway siya ng other nurse. Anyway. I don't mind naman because my test came back negative.

Nagtest na ako, bought hiv test kit sa Lazada, negative naman. Ma dedetect pa rin naman even after how many years na dumaan?

Basically, 3 stages and HIV 1st ung Acute HIV infection which is a simple flu na hindi mo mapapansin na may HIV kana pala and nawawala din sya as time goes by, but eventually pwde sya mapunta sa 2nd stage which is Chronic HIV infection ung stage na un wala ka marramdaman na symptoms at all 5 to 10 years or more than wala ka marramdaman na symptoms but sinisira na ung immune system mo ng hndi mo alam and lastly 3rd stage which is AIDS yan na ung time na papasukan na ung katawan mo ng mga sakit kasi hndi na kayang labanan ng immune system mo. Magpacheck kana lang sis libre lang naman sa health centers.

Positive ka po sa HIV? Yung hubby mo rin need mag check kasi baka nahawaan mo po. Need mo rin macontact mga naka sex mo para nag test din po sila. Wala po symptoms yan unless po may mag trigger sa immune system mo.. rashes po meron yan lalabas pero matagal tagal pa yun.

Patest ka po mamsh. Important po yun kasi wala po talagang symptoms yun.

Possible po lalo kung malakas pa immune system. Wala naman namamatay sa hiv but what's deadly ay yung mga complications kasi sinisira nya yung immune system mo tendency magkaron ng kung anu anong sakit at eventually magfail yung mga organs yun na ang cause of death.

Yes po kaya di malalaman hanggat di nagpapatest.

VIP Member

Yes po... Just like cancer may stages din ang hiv kaya bago pa ito lumala dapat pa gamot ka na... Wala pa po prevention ang hiv pero through medication kaya mo itong hindi maipasa sa anak at partner mo

As soon as nag positive ka sa HIV sis ask for medication na before po mahuli lahat. Yan kasi common mistake di porket mukhang healthy ok pa rin. Ang immune system po ang tinitirang sirain ng HIV na mag cacause ng ibat ibang sakit like pneumonia. May kilala po ako public servant shock nalang po kami namatay kasi mukhang healthy naman past months nakita namin siya... Isang month lang po na inubo nag develop to pneumonia then nabalitaan nalang namin wala. Ganyan po ang HIV akala mo healthy at ok pa pero hindi na pala... In quickest time ka din mamatay kapag nagkasakit ka na at sobrang lala na.

At least 3years sis ngsisimula appear mga symptoms but it varies sa immune system ng possible infected person. Common symptom is ung sa skin and if ever leading na sa worst pnuemonia or tb.

Reliability sis parang mahirap sabihin kasi needed ng medical back up yan eh. Kaya mas maganda parin sa recognized facility nalang. Nasa HIV kasi ako na program kaya we dont recommend self-testing. Pero ko yan fit sau you have the freedom naman. Para nalang siguro sa iba,ms maganda advice natin is pumunta sa mga social hygiene clinic para mas maattend lalo na kung magpositive.

Wala po symptoms yan na mararamdaman agad. Matagal po usually lumabas symptoms ng HIV kaya dapst po nag papa HIV test bago makipag sex sa iba..

Pacheck po kau .. Para bigyan kau ng vitamins panlaban sa hiv ng lumakas resistensiya nio

Mas maganda magpacheck up sa center na may free hiv test...pra itest ang blood..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan