17 Các câu trả lời
Hello. I'm married, with a toddler girl at nakatira sa husband and in-laws ko. Base on experience ko lang ito, pero wag ka magstay kay soon to be MIL mo. 1. Gini-guilt trip ka ni soon to be MIL, red flag na yan. 2. Hindi pa kayo kasal. 3. Kahit kasal pa kayo hindi ka obligadong tumira sa MIL mo. Dapat sa magasawa may sariling tirahan. 4. Valid ang reason na pasenior citizen na si mother mo. 5. 3 lang kayo sa house, toddler pa yung isa, kawawa naman si Mom mo kung 2 na lang sila maiiwan. 6. Mas masarap mag alaga ang sariling magulang, wala kang pangamba na isusumbat yun sayo dahil gagawin yun ni Mom mo out of unconditional love. 7. Hindi ka mahihiyang magpapatulong sa Mom mo in case need mo. 8. Since naririndi ka na sa future inlaw mo, red flag yan na nagger siya, wag ka talaga mag stay sakaniya. 9. Mahirap mag alaga ng baby as a FTM kapag may nagger na kasama. Hindi na ikaw ang masusunod, kundi yung nagger. 10. Mayroon kang peace of mind sa sarili mong bahay at pamilya.
suggest lang mima mas maganda dun sa gusto mo ikaw tumira, in short sa inyo. lalo na ganan yung na pinaparamdam sayo, baka sa huli magsisi ka na tama nga na dun kana lang sana tumira sa inyo dahil na-sstress ka sa bahay ng bf mo at sa MIL mo. ganun pinagsisihan ko sa huli, na akala ko bubukod kami yun pala hanggang magkaanak kame dito kami sa puder ng pamilya ng lip ko. pero ngayon plano na naming bumukod for peace of mind dahil sa mga taong pc of shiiiish. walang prob sa mil ko, sa mga kapatid madame😆 madame ka mararanasan pag tumira o pumisan kayo sa side ng bf mo.
naku mahirap tumira kasama byenan kasi danas ko yan yung tipong malapit na ko manganak ako pa rin nagluluto at namimili ng uulamin ko or anuman na kakainin ko...lalo na at di ko pa kasama asawa ko dahil sa abroad sya...ang hirap kumilos sa totoo lang...at mag utos...kung hindi lang malayo sa min umuwi na ko dun sa mga magulang ko...ngayong nanganak na ko dun na muna ko sa min hanggang sa dumating asawa ko from abroad...duon maalagaan nila kami ng baby ko kaya dyan ka lang po sa inyo bawal mastress ang preggy...
kausapin nyo lang po ung mil nyo na mas gusto nyo magstay sa bahay ni mommy mo and ur reason. and iassure mo lang po na pangangatawanan nyo naman ang isat isa. siguro dahil hindi kayo mag kalive in o kasal kaya ganyan sya magsalita ayaw lang nya magkahiwalay kayo ng jowa mo. pede namn weekdays sa bahay ng mom mo then weekends sa mil mo kayo. ung guy din tanungin mo
Hi. Actually ganyan po ginagawa namin kaso kada uuwi ako lagi nya ako pinagsasabihan na bakit pauwi uwi pa daw ako. Tyaga nalang siguro hehe
stay where you're comfortable sis. I've been in the situation na napilitan makistay sa in-laws because wala mag-aalaga ng anak ko and mas malapit sa work. medyo nakakailang though mabait naman in-laws ko pero as much as possible dun ka na lng muna sa comfortable ka baka mastress ka pa while pregnant ka.
kung san ka mas kumportable dun ka mi. kase mahirap pag sa iba ka na di ka kumportable naiilang ka ,di ka makagalaw tapos mamatahin ka pa at dadagdag pa yan sa iisipin o stress mo. tsaka mas okay kasama mo ang mom mo lalo na first time mom ka at 2 lang pala sila naiiwan sa bahay niyo.
Mas okay pa din sa bahay niyo po, sa bahay ng parents mo. Iba pa din po mag alaga ang sariling magulang ❤️ first time mom din po ako. Dito po kami nakatira ni hubby sa bahay ng parents ko, para daw matutukan nila ako at yung baby ko. Indeed! Iba mag alaga talaga sariling magulang
Jan ka nalang po sainyo iba parin kase at maslagaan ka pa ng nanay mo tapos makakapag pahinga kapa ng mabuti naranasan ko sa inlaws ko di man maka pag alaga sa baby ko kaya sorba stress namin ni hubby at wala tulog puro bisita lg alam di man lg kme tinulungan mag alaga ky baby
nasa tyan palang si baby, pala desisyon na siya. what more pa pag lumabas, mi? piliin mo kung san ka may peace of mind. mahirap makisama sa taong gusto lagi siya nasusunod. always remind yourself na anak mo yan, as a parent, desisyon mo ang masusunod.
iba pag nasa poder ka ng parents mo , mas komportable kang kumilos pag nandun ka. pabayaan mo na mamasyal nalang ang *in-laws* mo sa inyo habang ng rerecover ka pa.
Thanks, sobrang nakakatulong ang payo nyo hehe
Callie