36 weeks
Pwedi napo ba manganak ng 36 weeks? Sumasakit po kase puson ko, bawat galaw niya parang apektado po pwerta koo na parang mapupunit
Ako nanganak ng 36 weeks 1 day, pumutok na kasi ang panubigan ko, habang nasa labor room ako takot na takot ako kasi nga wala pang 37 weeks. Pero THANK GOD okay naman si bunso ko at di siya naincubator. Explanation ng pedia depende din po kasi yun sa baby kung kaya na niya or hindi pa.. Basta dasal lang po talaga nang dasal momshie. 🙏 Pero para sure ka sana nga mapaabot pa ng 37 weeks
Đọc thêmHi mommy. I gave birth at 40 weeks 2 days. A lot of new studies consider na over 39 weeks ang full term. Madami daw cases when babies were born with complications due to early delivery. https://www.healthline.com/health/pregnancy/babies-born-at-36-weeks#early-vs-full-term
Wag po muna kasi borderline yan. Unless kung mabigat si baby. Pero kung magaan siya, pwede naman na ilabas. Pero hanggat maaari, paabutin niyo muna ng 37wks. Natural lang na sumasakit, kasi bumababa na position ni baby.
pareha po Sa akin ngayun 36 weeks masakit din puson ko at merun din lumalabas Na spotting kunti Lang po
37 weeks ang pinaka-SAFE na pinakamaagang pwede ka manganak. Baka maintay pa, bigyan ka ni doc ng pangontra hilab, pasyal ka agad sa kanya.
37weeks above yung considered fullterm. Dun palang pwede. Better sabihin niyo po kay OB mo yan baka nagpreterm labor po kayo.
Ganyan din naramdaman ko nun. Normal yan kasi inoopen na yung pwerta mo since mag37wks ka na pero nanganak ako 40wks and 5 days.
Hi sis! Ininduced ka po ba?
pwede naman po hindi na siya maiincubator sa ganyang age but 37-40 weeks po maganda para full term si baby :)
may cases na as early as 36weeks nanganganak na pero sis kung kaya pa naman, at least 37 weeks sana. 😊
Hindi pa po advisable momsh! Pa check up ka po para updated ang OB saka mai-prepare ka na din😉
Pumupwesto palang si baby. Ganyan di ako nun na parang lalabas na siya sa pwerta ko
Happy Mom of 3 & A Grateful Wife