49 Các câu trả lời
🤱🏼 MGA PAMAHIIN SA PAGPAPASUSO 🤱🏼 - Tagalog Version- 🤱🏼 HINDI NAKAKABUSOG ANG GATAS NG INA Ito ay hindi totoo. Ang bagong silang na sanggol ay may maliit lamang na tiyan at kaunting gatas lang ang kailangan. Tataas ang pangangailangan nito sa mga susunod na araw. Ang unang gatas ng ina ay tinatawag na COLOSTRUM at lumalabas ito na pakunti kunti. Ang sanggol ay kadalasan umiiyak hindi dahil hindi ito busog kundi madali lang na matunaw ang gatas ng ina at madali lamang itong ma proseso sa katawan ng sanggol kaya dede nalang ng dede ang baby. 🤱🏼 KANIN SA KALIWA, ULAM SA KANAN Ang gatas ng ina ay pareho lang ang komposisyon nito maliban sa dalawa ang pina dede. Ang gatas ng ina ay nagdepende sa pangangailangan ng sanggol at ito ay nag depende sa edad. Walang kanin at ulam kundi mayroon itong tinatawag na foremilk at hindmilk. Ang foremilk ay malabnaw na siyang pinaka unang lumalabas sa tuwing dumedede ang sanggol. Ang hindmilk ay nakukuha sa huling parte ng pagdede. Ang hindmilk ay napaka importante dahil sagana ito sa fats na siyang tumutulong sa paglaki ng sanggol. 🤱🏼 BAWAL MAGPAPASUSO KUNG ANG INA AY GUTOM Ang pagpapade kahit gutom ang ina ay walang masamang epekto sa sanggol. Hindi naapektuhan ang gatas nito at hindi ito napapasa sa sanggol. Ngunit kailangan kumain ng isang nanay sa saktong oras para maayos ang kalusugan nito. 🤱🏼 BAWAL MAGPAPASUSO KUNG PAGOD/ PROBLEMADO Hindi napapasa ang pagod / problema ng ina sa bata. Wala itong epekto sa gatas at wala itong masamang epekto sa bata. Ang pagpapasuso ay nagdudulot ng paglabas ng happy hormone na tinatawag na oxytocin. Ito ay may magandang epekto sa nanay at sa bata. 🤱🏼 BAWAL MAGPAPASUSO KUNG GALING LIGO PARA HINDI MAGKAKASAKIT ANG SANGGOL Walang masamang maidudulot ang pagpapasuso pagkatapos maligo ang ina. Ang possibleng dahilan ng pagkasakit ay ang bakterya o virus kaya mas mainam na parating malinis. 🤱🏼 HINDI PWEDE MAGPAPASUSO KUNG MAY SAKIT Ang gatas ng ina may tinatawag nating antibodies na siyang nagbibigay ng proteksyon sa isang sanggol. Kung may sakit ang isang ina ay pwede pa rin itong magpapasuso basta’t hindi malubha ang karamdan nito para mas may proteksyon si baby sa anumang bakterya o virus. Kailangan lang gumamit ng mask at kailangan maglinis ng kamay bago humawak kay baby. Pwedeng uminum ng gamot na katugma sa nagpapasuso ito’y suriin sa e-lactania.org 🤱🏼 BAWAL MAGPAPASUSO KUNG PAREHONG BABAE O PAREHONG LALAKI ANG MGA BATA Walang problema ang pagpapadede sa ibang bata na may ibang kasarian. Hindi ito nag aagawan ng nutrisyon. 🤱🏼 PANIS NA GATAS Walang masamang naidudulot ang pagpasuso kung nalaktawan ng matagal na oras o araw bago magpadede ulit. Walang panis na gatas. Mapapanis lang ito kung sakaling nag pump ang isang ina at hindi ito naiambak ng maayos. Ang gatas ng ina ay pwedeng magtagal ng 4-6 na oras. Kung ilalagay ito sa freezer tatagal ito hanggang 6 na buwan hanggang isang taon. 🤱🏼 BAWAL UMINOM NG MAGINAW N A TUBIG ANG NAGPAPASUSO Huwag ipagkait ang inyong sarili mga mommies. Wala po itong masamang epekto sa gatas ninyo. Hindi ito nagdudulot ng anumang sakit o karamdaman ni baby. Natural lang na nauuhaw kapag nagpapasuso kaya dapat lang na uminom para maibsan ang uhaw. 🤱🏼 BAWAL ANG KAPE AT BEER Pwede uminom ng kape huwag lamang lumagpas sa 3 cups sa isang araw. Pwede din ang beer pero in moderation lang. Dapat may kakayahan ka pa na kargahin si baby. 🤱🏼DAPAT IHINTO ANG PAGPAPASUSO KAPAG BUNTIS Ang katawan ng babae ay dinisenyo sa iba’t ibang pagbabago dulot ng pagbubuntis, panganganak at pagpapasuso. Kung buntis ang isang ina at ito ay nagpapasuso, wala itong problema di bale nalang kung mapanganib ang pagbubuntis. Hindi nag aagawan ng nutrisyon ang dalawang bata dahil kayang kaya mag adjust ng katawan ng isang ina. Ang dapat nitong gawin ng ay kumain ng wasto dahil ito ay siguradong parating gutom para matugunan ang pangangailangan ng bata na dumedede at ng batang nasa sinapupunan. 🤱🏼 BAWAL MAGPAKULAY AT MAGPAREBOND NG BUHOK Maganda sa pakiramdam para sa isang ina ang pagpapaganda. Walang masama sa pagpapakulay at pagpapa ayos ng buhok iwasan lamang ang Keratin at Brazilian treatment dahil sa Formaldehyde na meron ito. 🤱🏼 HANGGANG DALAWANG TAON LANG DAPAT MAGPAPADEDE DAHIL WALA NA ITONG MKUKUHANG NUTRISYON SA INA Ang gatas ng ina ay hinding hindi mawawalan ng nutrisyon. Ang gatas nito ay nagdepende sa pangangailangan sa bata. Hindi dapat ihinto sa ganitong kadahilanan. 🤱🏼 BAWAL MAGPABUNOT NG NGIPIN Huwag mo kayong magdusa sa sakit ng ngipin nyo dahil lang sa sabi sabi na bawal ito. Pwedeng pwede po magpabunot. Ang advice ng isang dentista ay huwag lamang kargahin ang anak pagkatapos ng pagkabunot ng ngipin. Pwede po kayong mgpapasuso pagkatapos ng pagbunot, sabihan nyo lng ang dentista ninyo para mabigyan kayo ng gamot na safe lang. Hindi po nakakapaekto ang anesthesia nito. Wala po kayong dapat ipag alala. 🤱🏼 BAWAL KUMAIN NG MAANGHANG, MAASIM, MALAGKIT NA PAGKAIN. Wala pong bawal kainin ang isang ina na nagpapasuso. Di bale nalang sa mga nanay na may allergies ang sanggol kaya dapat may iwasan itong kainin depende sa allergy nito. Ang bawal ay ANG MAGPAPAGUTOM. Tandaan na ang mga pamahiin ang naging gabay nga mga sinaunang mga nanay. Wala pang sapat na impormasyon na nakukuha galing sa isang doctor kaya naayon ito sa base sa kanilang naging karanasan. Walang masama kung maniniwala ka dito pero kung ito ay nagdudulot nag masama sa iyo at sa iyong sanggol ay dapat na itong ipasintabi at magpokus kung ano ang tama sa pagpapasuso. Ikaw ang ina, ikaw dapat ang magpasya kung anong dapat mong gawin na makakabuti sayo at sa iyong sanggol.
not true po. kumakain pa nga ako ice cream while breastfeeding. mommy, wag nyo po ipagkait sa sarili nyo yung nga bagay na gusto mo especially kung breastfeeding ka. kasi mas ok na ok ang emotional at mental state natin para di maapektuhan ang production ng gatas.
Hello po, pwede pobang kumain ng pagkain na may gata? Kasi sabi nila bawal daw po kasi mag tatae yung baby, breastfeed po pala ako sa baby ko. Salamat 😊
Nakakapadami pa nga ng gatas ang pagkaing may gata.. Ilang beses na ako kumain ng may gata pero never nman ako nakpagpump ng gatas na lasang gata mumsh😂 myth lang un ng majujunda
Asking KO lng po totoo po ba mag breastfeeding Ka pag uminom Ka Ng malamig na tubig at nag laba Ka Ng gabe madede raw Ng bata ang lamig totoo po ba mag momies thank u po
Hello po maganda gabi ok lang po ba na makainom ng tubig gripo habang nag papabreastfeed ?
pwedeng pwede po
depende...kasi ako nasanay sa hindi malamig na tubig..kapag nainom ako ng malamig na kahit anung liquid sumasakit tyan ko
Pwede Po bang uminom Ng malamig na tubig kahit may ubo at sipon c baby 6months palang Po cya breastfeeding Po ako
fresh fruit shake ang pampadami ng milk ko, momshie kaya pwedeng pwede. hehe.
Ang baby girl q n c krisha
tanong lang po if uminom po ako ng kape ilang oras po uli bago ako pwd mg pump?
Jascelyn Toribio